Kabanata 1

1916 Words
"Hi boys!" Malawak ang ngiting bati ko sa aking mga schoolmate na lalaki. Sabay-sabay silang kumaway pabalik sa akin. Napangisi ako dahil doon, malalandi rin. Araw ng Biyernes ngayon. Walang masyadong klase dahil weekend na kinabukasan. Dapat nga hindi na ako pumasok ngayon dahil isa lang naman ang subject ko kapag Friday. Pero dahil si Sir Brick ang Professor ko, papasok ako, hindi pwedeng hindi! Kahit buong araw pa siyang magturo sa harap hinding-hindi ako maboboring. "Excuse me, do you know Sir Brick Montecillo?" Napaangat ang kilay ko sa babaeng nagtanong sa akin. Hindi siya taga dito sa Education department, ngayon ko lamang kasi siya nakita. "Yes, why?" Mataray na tanong ko. Baka isa rin siya sa mga nagkakandarapa kay Sir Brick. "Ah, may papapirmahan kasi sana ako sa Daddy niya. Kaya lang, sabi ni Director Montecillo nung nakasalubong ko siya kanina, kay Sir Brick na lang daw, since anak niya naman daw si Sir." Muling napaangat ang aking kilay sa sagot niya. Magpapapirma? Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. "Ako na lang magpapapirma, Professor ko naman siya eh. Ano bang pangalan mo, para maisabi ko mamaya sa kaniya at para saan ito?" Shocks! This is the time para makausap ko si Sir Brick! Kung sinusuwerte ka nga naman. "Louisa Ferrer from student council. Yun nga, para ito sa Sports Festival na gaganapin next month. Thank you." Nakangiting sabi niya sa akin bago iniabot ang papel na naglalaman ng letter para kay Sir Brick. "Okay, dadalhin ko na lang sa office niyo kapag napirmahan niya na." Nakangiting sabi ko sabay alis para pumasok sa subject ni Sir Brick. Nagtuturo siya ng aming major subject. Dapat siya na lang lagi teacher para ganahan ako sa klase. Kapag kay Sir Taba kasi inaantok at tinatamad ako! Hindi ko nga alam kung bakit may History pa rin kami kay Sir Morales gayong graduating na kami. Dapat more on major subject na lang at on the job training. Kainis naman! "Good morning Sir!" Malakas ang boses at malaki ang ngiting bati ko kay Sir Brick pagkapasok na pagkapasok ko sa aming classroom. Shit, he's alone! Masosolo ko siya! Tamad na tumingin siya sa akin. Binigyan ko siya ng isang napakatamis na ngiti. Napansin ko ang kaniyang pagtiim-bagang pagkatapos ay muli niyang ibinalik ang mga mata sa kaniyang ginagawa. "You're late." Malamig na sabi niya sa habang nagtitipa siya sa kaniyang laptop na may tatak na mansanas na may kagat sa gilid. "Eh?" Kunot ang noong napatingin ako sa kaniya. Late?! Ako late?! "I'm sorry, may inasikaso pa ako sa faculty room." Muntik na akong mapatalon ng marinig ko ang boses ni Sir Indigo sa aking likuran. "Shit! Di man lang marunong bumati pabalik!" Mariing bulong ko sabay irap. Napahiya ako dun ah! Akala ko pa naman ako ang sinabihan. Padabog na naglakad ako sa aking upuan. Kailangan kong kalmahin ang aking sarili dahil baka lalo akong mainis kay Sir Brick. Mahalikan ko pa siya riyan! Nakakasira ng araw ah! Pasalamat siya crush ko siya. "Ms. Tan, what are you doing here?" Napaangat ang tingin ko kay Sir Indigo. Ano sa tingin niya ang ginagawa ko dito? Naliligo? Malamang mag-aaral ako at maglalandi. Umangat ang isa kong kilay nang makita ko ang pagngisi sa akin ni Sir Indigo. Gwapo rin siya pero mas type ko si Sir Brick. Naku! Mukhang lahat naman yata ng teacher na lalaki dito puro gwapo, except kay Sir Morales. Gurang na yun at mataba, kaya di siya kasama sa sinabi ko. "Na-cancel ang class niyo ngayon dahil may dadaluhang meeting ang ilang teachers, kasama itong si Brick. Pwede ka nang umuwi." Nakangiting sabi niya sa akin. Nakansela ang klase? Bakit hindi ako na-inform? Napatingin ako ng masama kay Sir Brick. 'Di man lang niya ako sinabihan pagkapasok ko! Napahiya na nga ako kanina, napahiya pa rin ako ngayon?! "Okay, bye Sir Brick!" Malaki ang ngiting paalam ko bago ako lumabas ng classroom. Lintik, 'di pa ako pwedeng umuwi! Kulang ang araw ko kapag ganoon lang kabilis ang pagkakakita ko kay Sir Brick! Gusto ko pa siyang makausap. At isa pa, mayroon pa pala akong papipirmahan! Napatigil ako sa paglalakad at hinintay na lumabas si Sir Indigo. Itatanong ko kasi sana, kung matagal ba ang meeting ni Sir Brick at nang ibang teacher. Habang naghihintay ay todo ang pagngiti ko sa mga lalaking dumaraan. Iba talaga kapag maganda ka. Maraming papansin at papayag na landiin mo. "Hi Cassidy!" Bati sa akin ng dati ko kaklase na si John. Lumipat kasi siya sa kursong Broadcasting kaya hindi ko na siya minsan nakikita at nakakausap. "Hi, kumusta?" Nakangiting tanong ko. John is cute. But nah—ayaw ko sa mga kaedad ko lang, ang gusto ko ay yung medyo matanda sa akin ng ilang taon. Parang si Sir Brick. "Okay naman, are you free tomorrow night?" Tanong niya sa akin. Bakit? Anong meron bukas ng gabi? "Oo naman, fr—." "Mr. Reyes, bakit narito ka sa department ng mga Education students?" Napatingin ako bigla sa nagsalitang si Sir Brick. Ang gwapo ng boses niya! Kinikilig na naman ako, bwisit! "Ah, napadaan lang po. Sige Cass, tomorrow night, sunduin kita sa work mo!" Sabi sa akin ni John bago siya tumakbo paalis. Isang tango ang ibinigay ko. Baka may party, naku go na go ako sa mga ganoon. "Sir!" Tawag ko kay Sir Brick nang maglakad na siya palayo. Hindi siya tumigil kaya tumakbo ako para maabutan siya. "What do you want?" Malamig ang boses na tanong niya sakin. Kita ko ang pag-igting ng kaniyang mga panga at ang pagsalubong ng kaniyang mga kilay. Ang gwapo niya talaga kapag ginagawa niya iyon. Samahan pa ng cold at pagiging snob niya. Parang isa siya sa tauhan ng mga nababasa kong story sa libro. Nang hindi ako nakasagot kaagad sa tanong niya ay muli na siyang naglakad paalis. Bakit ba parang ayaw niya sa akin?! Sa ibang estudyante naman ngumingiti siya, pero bakit kapag sa akin hindi? Ang unfair naman. "Sir Brick!" Malambing na tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin. Letse, napakapabebe naman ng isang ito! Mabuti nga't pinag-aaksayahan ko pa siya ng oras ko eh! "Ang kulit mo! Ano ba kasing gusto mo?!" Mariing tanong niya sa akin. Bigla naman akong napakagat sa aking ibabang labi dahil sa tono ng kaniyang boses. "I need you to—." Naputol ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. "Need what?" Tanong niyang hindi pinapansin ang cellphone na tumutunog. "Ah, aren't you going to answer that call?" Tanong kong nagpaigting muli ng kaniyang mga panga. What? I'm just concerned doon sa tawag. Mamaya importante pala yun. "If you need something to me, pumunta ka na lang sa office ko. Wait me there." Malamig na sabi niya sabay sagot sa cellphone bago ako iniwan. Napangiti ako nang malaki dahil sa kaniyang sinabi. Ito na ba? Umpisa na ba ng aking tagumpay? Malaki ang ngiting pumunta ako sa kaniyang opisina. Pagpasok ko ay kaagad kong napansin ang kaniyang pangalan sa table. "Brick Montecillo." Ang gwapo ng pangalan, ang gwapo pa ng may-ari. Ngayon lamang ako nakapasok sa kaniyang office. Ang linis, parang hindi lalaki ang may-ari. Pero hindi ko naman iniisip na bakla siya ah. Napatingin ako sa aking relo, mag-aalas-dose na pala ng tanghali. Hintayin ko na lang muna siya bago ako maglunch. Baka mayaya ko pa siyang sabayan ako sa pagkain. I'm sure hindi maniniwala si Elle kapag sinabi kong nakausap ko si Sir Brick. Kontrabida yun pagdating sa panglalandi ko kay Sir. "Gwapo." Nakangiting sabi ko habang pinagmamasdan ang picture niya sa dingding. Maliban sa kaniyang picture, ay mayroon pang ibang nakadisplay roon. Paintings, iba't ibang types ng photography and music instruments. He likes art, kita iyon sa mga displays niya sa kaniyang office. Gusto ko sanang gamitin ang gitara kaya lamang ay baka mapagalitan ako. Kaya naupo na lamang ako sa sofa at nagpasyang magbasa na lang ng librong nakuha ko sa kaniyang table. "Anong oras ba siya darating?" Naiinip na tanong ko habang nakahiga sa sofa na naroon. Ang tagal naman kasi ni Sir Brick. Mag-iisa't kalahating oras na akong naghihintay wala pa rin siya! Pinagtitripan niya ba ako? Yung oras na nasayang kakahintay ko sa kaniya rito, pwede ko pa sanang magamit iyon sa pakikipag-usap sa mga boys sa cafeteria! "Nagugutom na ako!" Malakas na sabi ko sabay tabon ng libro sa aking mukha. Letse! Ang sama talaga ng ugali ni Sir Brick!! "Kung hindi lang kita gusto hindi ako maghihintay sayo dito ng matagal! Mabuti sana kung papakainin mo ako! Nakakaasar ka na Brick Montecillo! Pasalamat ka gwapo ka, kung hindi—" "Kung hindi ano?" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa aking narinig. Nahulog pa ang libro niyang ipinatong ko sa aking mukha. "K-Kanina ka pa ba riyan?" Nahihiyang tanong ko. Bakit hindi ko man lang naramdaman ang pagdating niya?! "Wala na bang iiikli iyang palda mo?" Sarkastikong tanong niya sa akin. Bigla akong namula, hindi dahil sa napahiya ako. Kundi dahil napansin niya ang suot ko. Gosh, first time yun! Ibig sabihin pinagmamasdan niya ako! Parang bigla tuloy nawala ang inis ko sa kaniya. "Uso ito ngayon." Sagot ko sabay lapit kay Sir Brick. Kaagad naman siyang umiwas at umupo sa swivel chair niya. "Anong kailangan mo?" Tanong niya sa akin habang may inaayos sa kaniyang bag. "Hindi man lang muna ako tinanong kung gutom ba ako o hindi." Mahinang sabi ko na alam kong narinig niya. Nakita ko kasi ang dagli niyang pagtigil. "I need you to sign this. Si Louisa sana ang magpapapirma sayo, kaya lang dahil Professor kita, nagpresinta akong ako na lang." Nakangiting sabi ko sa kaniya habang iniaabot ang papel na pipirmahan niya. "I'll sign that tomorrow." Seryosong sabi niya habang nakatutok ang mga mata sa kaniyang cellphone. May ka-text yata, nakita ko kasi ang maliit na ngiti sa kaniyang labi. "Pero—" "Tomorrow night, after my work." Putol niya sa sana'y sasabihin ko. Tomorrow night? Hindi pwede! May usapan kami ni John. "Why not now? I have a part time job, until 8pm tomorrow." Kunot ang noong sabi ko sa kaniya. "Eh di pupuntahan kita sa trabaho mo. Don't you like it? 'Di ba ito ang gusto mo, ang mapansin kita?" Sarkastikong sabi sa akin ni Sir Brick na ikinanganga ko. "But—." "Don't tell me, sasama ka kay John. You know Ms. Tan, I have this feeling na hindi maganda ang mangyayari sayo sa pagsama mo sa kaniya." Napangiti ako bigla. Nag-aalala ba siya sa akin? Dahil kung oo, naku, mahahalikan ko talaga siya. "Alam mo Sir, kung nag-aalala ka para sa akin, sabihin mo na sa akin nang diretso. Nag-aalala ka ba? Gusto mo, sayo na lang ako sumama?" Malambing na tanong ko. Isang malamig na titig ang nakuha ko kay Sir Brick. "I'll sign that tomorrow, now get out." Matigas na utos niya sa akin. "Okay, bye Sir." Natatawang sabi ko sabay lakad palapit sa pinto. "Hindi talaga ako tinanong kung kumain na ba ako o hindi?! Pest—." "Kung nagugutom ka, pumunta ka na sa cafeteria. Nag-order na ako para sayo." Napalingon ako bigla sa kaniya. Pero abala na siya sa pagbabasa ng kung ano. Gusto ko pa sana siyang asarin, kaya lang ay baka masigawan niya pa ako. Nag-aalala nga yata siya sa akin. Sir Brick, halatang-halata ka na eh. May epekto na yata ang panglalandi ko sayo ng matagal na panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD