Simula

1381 Words
"Cassidy Romero Tan!" Napabalikwas ako galing sa pagkakadayukyok sa aking armchair dahil sa pagtawag ng teacher ko sa aking buong pangalan. "Sir, yes Sir!" Malakas na sabi ko sabay tayo at saludo kay Sir Morales. Ang instructor namin sa subject na History. Narinig ko ang malakas na tawanan ng aking mga kaklase na agad rin namang sinuway ni Sir Morales. "Natutulog ka na naman! This is the seventh time you did that!" Galit na sigaw niya sa akin, kulang na lamang ay buhatin niya ako at itapon sa labas ng classroom. Aba! Kasalanan ko bang makatulog ako dahil sa pagkabagot? Ang boring naman kasi niyang magturo! Tapos hindi ako makapag-focus sa mga itinuturo niya sa harap dahil sa umaalon niyang malaking tiyan! "Sir, I want you to know na—oh my gosh. Good bye Sir, see you at the detention office!" Malakas kong sabi sabay takbo palabas ng classroom. I saw him! Nakita ko siyang dumaan sa classroom namin bakit bigla kaagad siyang nawala?! May sa The Flash ba siya? Inilibot ko ang aking paningin para hanapin ang gwapo niyang mukha. Pero lintik, ang bilis naman magtago nang lalaking yun! "Hi Cass!" Bati sa akin ng best friend kong si Elle, Jayce or Jaycelle. Bahala kayo kung anong gusto niyong tawagin sa kaniya. Hindi ko siya pinansin dahil abala ako sa paghahanap. "Looking for Sir Brick, again?" Napaikot ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hello?! Hindi ba obvious? "Nakita mo ba siya?" Tanong ko na lamang kay Elle. Isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan bago ako tiningnan na parang awang-awa siya sa akin. Don't do that girl, kung ayaw mong itakwil kita bilang best friend ko! "Cass, you know what, you should stop. We all know na may gusto ka kay Sir Brick. Pero, isn't it too much na habul-habulin mo pa siya?" Kunot noong tanong niya sa akin. Heto na naman kami. Magkaibang-magkaiba talaga kami ni Elle. Kung ako ang Queen ng pagiging bulakbol sa klase at pagiging malandi. Siya naman ang Queen sa pagiging masipag sa school. She's a good student, a role model of everyone here in our campus. Mabait, maganda, mayaman at talagang maaasahang kaibigan. Samantalang ako, maganda, maaasahan at mabait lang. Yep, hindi ako mayaman, hindi na ako mayaman. Kaya kita niyo yung ugali ko? Nah, nevermind, may hinahanap pa nga pala ako. "Kung papangaralan mo na naman ako, tigilan mo na. I won't listen anyway. So, nakita mo ba siya?" Nakangising tanong ko. Isang sumusukong buntong hininga ang pinakawalan ni Elle. "Nakita ko siyang lumiko papunta sa faculty room." Sagot niya at akma na sana akong tatakbo papunta roon nang bigla niya akong pigilan. "Hep! He's not alone. Kasama niya ang Daddy niya. You know, Director Montecillo." Nakangiwing sabi sa akin ni Elle. "So what? Hindi naman yung Daddy niya ang gusto kong makita, kahit na ba gwapo rin yun." Nakangising sabi ko sa kaniya. "Wala ka talagang pinapalampas ano? Mamaya ka na pumunta roon, samahan mo muna ako sa cafeteria. I haven't eaten yet." Napangiti ako bigla. Pagkain. Sige ba, basta pagkain. Mas mahal ko ang pagkain kaysa kay Sir Brick. Ika nga nila, food is life. Habang naglalakad sinasaway ako ni Elle dahil sa pagkaway ko sa mga lalaking nakakasalubong namin. Yes, malandi ako. But I'm still a virgin so don't judge me! At isa pa, kahit naman medyo mahina ako sa school, tumutulong naman ako sa magulang ko sa gastusin sa bahay! Alam niyo na, baka mapalayas ako bigla! Hindi naman ako puwede tumira sa bahay nila Elle dahil nakakahiya! Oo, kahit malandi ako, may hiya rin naman ako pagdating sa mga ganoong bagay. So again, don't judge me! Baka sikuhin ko kayo sa panga! "What do you want?" Tanong sa akin ni Elle nang nasa counter na kami ng cafeteria. "Wala ba silang siniserve na Sir Brick?" Matamis ang ngiting tanong ko kay Elle. Kaagad naman niya akong binatukan dahil doon. "Puro ka kalokohan! Pumili ka na, baka magbago pa ang isip ko." Inis na sabi sa akin ni Elle na tinawanan ko lamang. Kahit na ganito kami, mahal namin ang isa't isa noh! "Isang slice ng Sir Bri—I mean cheesecake." Natatawang sabi ko dahil bigla akong siniko ni Elle sa tagiliran. Hindi talaga mabiro ang isang ito! "O bayad ko." Inabot ko ang isang daan kay Elle na kaagad naman niyang tinanggihan. "Libre ko ito sayo! Itago mo na lang iyan. Para may panglandi ka mamaya!" Pang-aasar na sabi niya sa akin. Baka mamis-interpret kayo ah! Ang panglanding sinasabi niya ay ang pagbili ko ng mga make-up mamaya. "Let's go—oh, hi Sir." Pa-cute na bati ko kay Sir Brick. Kanina pa ba siya sa likuran namin? Humina yata ang radar ko, bakit di ko kaagad siya napansin?! Isang malamig na titig lamang ang ibinigay niya sa akin bago siya tumungo sa counter. "See, I told you to stop it already. Bato si Sir. Bato na yelo, ay ewan! Basta wala kang mapapala sa kaniya." Iyon kaya ang nagustuhan ko kay Sir Brick. Ang pagiging snob niya. Kahit ba dalawang taon niya na akong tinitingnan sa ganoong paraan, okay lang sa akin. Ang gwapo niya kaya kapag ganoon. Lalo kapag nagagalit siya sa kakulitan ko, umiigting ang mga panga niya at nagsasalubong ang mga kilay. Makalaglag panty yung ganun! "You're drooling, eww." Maarteng sabi ni Elle na tinaasan ko lang ng kilay bago naglakad para pumuwesto sa bakanteng table. "Gwapo talaga. Alam mo Elle, I can't stop myself. Ang tagal ko nang nilalandi si Sir, pero wa epek pa rin. Nakaka-challenge kaya yung ganoon." Sabi ko sabay patong ng aking baba sa aking kamay habang nakatanaw sa naglalakad na si Sir Brick. Ang gwapo niya talaga. Lalaking-lalaki maglakad. Tapos yung porma niya lakas makamayaman—oh well mayaman naman talaga siya. Uy, baka isipin niyo na kaya ko siya nilalandi ay dahil sa mayaman siya! Hindi! Hindi ako ganoon, so don't judge me! Baka upakan ko kayo! "Baliw ka! Lahat na lang! Una yung isang teacher sa I.T department na may asawa na ngayon. Tapos ito naman? When will you going to stop?" Taas ang kilay na tanong niya sa akin. Bigla ko tuloy naalala yung teacher na tinutukoy niya. Duh, hindi ko naman nilandi yun ng sobra. Dahil kakalipat ko lang dito sa school nang makilala ko siya. Tapos last week na pala niya sa pagtuturo. Kaloka, gwapo sana kaya lang suplado rin. At saka, I.T instructor, puro codes ang utak noon! Ang isa pa ay, masyado siyang matanda para sa akin noon. Nineteen ako noon, samantalang siya ay twenty-eight. 'Di tulad ni Sir Brick na twenty-six years old lang. Matanda lamang siya ng limang taon sa akin. "Titigil lang ako kapag nagsawa na ako kay Sir Brick." Sagot ko sabay subo ng cheesecake. "Such a playgirl." Sabi ni Elle habang pinaglalaruan ang spaghetti sa kaniyang plato. "Hindi ako playgirl. Malandi ako, pero never akong nagkanobyo. NBSB ako, saka puro papansin lang naman ginagawa ko—" "Playgirl pa rin iyon." Putol sa akin ni Elle. Hindi na lamang ako nagsalita. May punto rin naman kasi siya. "Saan next class mo?" Tanong niya sa akin. Hindi kami magkaklase ni Elle, business administration ang kurso niya samantalang ako ay education. "Wala." Sagot kong nakakagat sa labi. Naalala ko kasi ang nangyari kanina. "Detention ulit? Alam mo Cass, ang detention office parang cell sa prisinto. Yang ginagawa mong paghahabol kay Sir Brick, ang maaaring magpasok sayo sa rehas na bakal." Akala ko tapos na kami sa usaping iyon, hindi pa pala. "Hindi naman magiging kami. Lalandiin ko lang nga diba?" Sabi ko naman. "You're not sure about that. What if bumigay siya? Paano kung ayaw mo na siyang landiin, pero siya gusto pa? At baka mas higit pa doon ang hingiin niya sayo! Cassidy, I want to remind you, that having a relationship with our Professor is against the Law. That's why I keep on telling you to stop. Bestfriend kita, and I don't want to see you getting hurt." Natameme ako sa kaniyang sinabi. Pero nah! Hindi naman mangyayari iyon. Alam kong gusto ko si Sir Brick. Gusto ko siya dahil gusto ko siyang landiin. Nothing more, hanggang doon lang. At imposibleng maging kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD