"Aalis na ako 'Ma!" Sigaw ko habang nagsusuot ng sapatos. Sabado ngayon, kaya kailangan kong pumasok sa trabaho. Maaga akong papasok ngayon dahil may sakit ang isa naming kasamahan. Dagdag sweldo kapag pinunan ko ang pwesto niya pansamantala.
Hindi ko na hinintay na sumagot si Mama. Kaagad na akong tumakbo sa labas at naghanap ng masasakyang traysikel.
"2:30, maaga pa naman, maglalakad na lang ako." Sabi ko sa sarili nang wala pa rin akong mahanap na traysikel. Medyo malayo na rin ang aking nalalakad nang may biglang tumigil na kotse sa harap ko. Kunot ang noong inaninag ko ang sakay niyon. Nanlaki ang mga mata ko nang lumabas si Sir Brick ng kotse. Nakasuot siya ng long sleeves na pinatungan ng sweater na black, black jeans and white converse. First time kong makita siyang ganoon ang suot. Ang bango niya tingnan. Dagdag pa sa kaniyang kagwapuhan ang suot niyang itim na salamin. Ang kaniyang buhok na nakaayos ay lalong nagbigay ng dating sa kaniya.
"You're drooling." Napapitlag ako nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Pasimpleng hinawakan ko ang aking mga labi pero wala namang laway. Napansin ko ang kaniyang pagngisi. Pinagtitripan niya ako?!
"Where are you going?" Tanong niya habang naglalakad palapit sa akin. Ilang beses akong napalunok nang maamoy ko ang kaniyang natural na bango. Hindi ko rin siya matingnan ng diretso dahil parang matutunaw ako sa titig niya.
"W-Work." Naiilang na sagot ko. Palihim na kinastigo ko ang aking sarili. Bakit ba naiilang ako?
"I told you to quit." Pinanindigan ako ng balahibo nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa akin at nang maamoy ko ang kaniyang hininga na kahit yata bagong gising siya ay hindi mabaho.
"I can't, doon lang ako kumuku—."
"Babayaran kita, double—ah no—triple." Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Nakaramdam rin ako ng inis dahil doon.
"Hindi ako bayarang babae. Pumayag ako sa gusto mo dahil mahal kita." Galit na sabi ko bago ako naglakad. Ayaw ko na, ayaw ko nang lumapit sa kahit na sinong lalaki. Ang sakit-sakit na yung taong mahal ko, napakababa ng tingin sa akin.
"Wala naman akong sinabing bayaran ka. I just want to giv—."
"Ganoon na rin iyon! Simula pa lang ganoon naman talaga ang tingin mo sa akin eh!" Sigaw ko habang naglalakad nang mabilis. Ayaw kong makita ang tingin niyang nakakatunaw.
"Cassidy, you agreed, ni hindi ka nga nagdalawang isip sa alok ko. Sa tingin mo anong iisipin—."
"Kasi nga mahal kita." Blanko ang ekspresiyong putol ko sa kaniyang sinasabi. Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga.
"Malandi ako, pero nung makilala kita, palagi kitang naiisip. Ikaw na lang yung gusto kong landiin. Kahit hindi pwede, sumisige pa rin ako. Baka sakaling tapunan mo ako ng tingin. Yung tingin na walang panghuhusga. Sir Brick, mahal kita. Alam kong nakakahiya itong ginagawa ko, pero wala akong pakialam, kasi nga mahal kita." Malamig ang boses na sabi ko habang pinipigilan ang mapaluha. Nakatitig kasi siya sa akin nang mataman.
"Okay." Napakunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. He's really annoying. Nakakalito ang mga ginagawa niya! At sa haba ng sinabi ko iyon lang ang isasagot niya?
"Let's go." Sabi niya pa sabay hila sa kamay ko. Babawiin ko na sana ang kamay ko nang hawakan niya iyon ng mahigpit.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko nang maayos niya na ang aking seatbelt. Kahit medyo naiinis ako sa kaniyang mga sinabi kanina, hindi ko pa rin mapigilan ang kiligin. Baliw na nga yata ako. Ang hirap kumawala sa nararamdaman ko para sa kaniya. Kaya paano ako titigil?
"Where do you want to go?" Bigla akong napatingin sa kaniya. Ano na naman ba ito?
"Sa trabaho ko." Sagot ko kay Sir Brick. Nakita ko ang pagpikit niya ng mariin at ang paghigpit ng hawak niya sa manibela. Muntik na akong mapatalon ng malakas niyang suntukin iyon bago siya tumingin sa akin.
"Cassidy, simula sa araw na ito, akin ka na. Lahat ng sasabihin ko, susundin mo. Lahat ng gusto ko, gagawin mo. Hindi ka pwedeng tumanggi, dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo. Ngayon, ayaw kong nagtatrabaho ka sa bar. Kaya aalis ka roon, sa ayaw o sa gusto mo." Mahabang sabi ni Sir Brick sa akin. Pero isa lang ang tumimo sa utak ko. Pag-aari niya ako?
"Why?" Tanong ko sa kaniya.
"What?" Balik tanong niya sa akin.
"Why are you doing this to me? Why do you want me to quit my job? Why do you—."
"Basta." Maikling sagot niya sa akin bago niya binuhay ang makina ng kotse.
"Anong basta? Hindi acceptable ang ganoong sagot sa taong umaasa ng sagot mula sa mahal niya!" Inis kong sabi.
"I don't want you to work there, that's all!"
Napabuga na lang ako ng hangin. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Elle.
"You're not sure about that. What if bumigay siya? Paano kung ayaw mo na siyang landiin, pero siya gusto pa? At baka mas higit pa doon ang hingiin niya sayo! Cassidy, I want to remind you, that having a relationship to our Professor is against the Law. That's why I keep telling you to stop. Bestfriend kita, and I don't want to see you getting hurt."
Bumigay na ba siya sa panglalandi ko? Ewan, parang oo na hindi. Ayaw ko na bang landiin si Sir Brick? Yes, dahil isa iyon sa dahilan kung bakit ang baba ng tingin niya sa akin. Gusto niya bang landiin ko pa siya? Parang hindi, nagagalit nga siya sa akin eh. May hiningi ba siyang pabor sa akin? Yes, kailangan kong magpanggap na nobya niya. Are we having a relationship? Maybe yes? Counted na siguro ang kung anong meron kami, kahit na ba fake lang. Nasasaktan ba ako?
"Sobra." Mahinang bulong ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse ni Sir Brick. Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan.
"Sir, pwede bang magback out?" Lakas loob na tanong ko kay Sir Brick.
"No." Matigas na sagot niya sa akin. Kung hindi ko lang alam na hindi niya ako gusto baka isipin kong napakapossessive niya sa akin bilang boyfriend.
"Okay." Mahinang sagot ko bago ko muling itinuon ang aking tingin sa labas. Nakulong na nga ako. Nakulong na ako sa kagagahang ginawa ko.
"Are you hungry?" Tanong niya sa akin habang ang kaniyang tingin ay nasa unahan. Dahil sa tanong niya ay naramdaman ko bigla ang pagkalam ng aking sikmura. Isinantabi ko na muna iyon dahil may bigla akong naalala.
"Can I borrow your phone? May tatawagan lang ako. Hindi ko kasi alam kung saan ko nailagay yung cellphone ko." Sabi ko sa kaniya. Nawawala kasi ang phone ko. Nakakapanghinayang dahil pinag-ipunan ko iyon.
Napatingin ako bigla kay Sir Brick nang ihinto niya ang kotse sa gilid at may kinuha sa likod.
"Here." Sabi niya sabay abot sa akin ng kaniyang cellphone. Kulay itim iyon at bagong-bago. Bagong model ng sikat na brand ng cellphone.
"Thank you, saglit ko lang naman--."
"Sayo yan." Napaangat ang tingin ko sa kaniya habang magkasalubong ang aking mga kilay.
"I have your phone. Its broken, kaya bumili ako ng bago." Parang nalunok ko ang aking dila dahil sa kaniyang sinabi. Paanong nasa kaniya ang cellphone ko? At isa pa, sa tingin ko'y napakamahal nitong cellphone na hawak ko. Hindi ko ito matatanggap!
"Tatawag lang ako, ibabalik ko rin." Mabilis kong sabi saka ko tinawagan si Kuya Ken. Nagpaalam lamang akong hindi na ako papasok simula sa araw na ito. Naintindihan naman niya, dahil sinabi kong may bago na akong trabaho. Hindi ko na lang sinabi kung anong trabaho.
"Keep it." Seryosong sabi ni Sir Brick habang nakatiim bagang.
"Hindi naman ito sa akin. Isa pa, pwede ko pa namang ipaayos yung cell—."
"I want you to keep it. Binili ko iyan para sayo. Kaya tanggapin mo." Nakaigting ang pangang sabi niya sa akin. Tumango na lamang ako ng marahan bago ko muling tiningnan ang cellphone na binili niya. Kulay itim na may tatak na apple sa likod. Ang mahal nito. Baka mamaya singilin niya ako o di kaya'y isumbat niya ito sa akin.
Napatingin ako kay Sir Brick nang ipasok niya ang sasakyan sa parking lot ng mall. Bakit dito kami pumunta? Baka mamaya may makakita sa amin.
"Sir pwedeng—"
"Brick, call me Brick." Sabi niya sa akin bago lumabas ng kotse. Nagulat pa ako nang pagbuksan niya ako ng pinto.
"Pwedeng 'wag na lang dito? Baka kasi may—."
"Let's go, akong bahala." Malumanay na sabi niya sa akin. Para akong nabato sa aking kinauupuan nang makita ko ang pagngiti niya ng maliit. Isinuot niya na ang kaniyang salamin at inalalayan ako sa paglabas ng kotse. Nakakalito talaga ang mga ginagawa niya. Minsan galit, minsan mabait, minsan suplado at minsan sweet? Uh, I'm not sure doon sa minsan sweet. Parang hindi naman kasi siya ganoon.
"Saan mo gustong kumain? Restaurant or—."
"KFC! Mahal sa mga restaurants, kaya doon na lang tayo sa KFC." Sabi ko habang palinga-linga sa paligid. Baka kasi makita ko si Elle or baka makita ako ni Elle. Every Saturday kasi nagsa-shopping iyon.
"I've never been in KFC. Pero kung doon mo talaga gusto, sige." Narinig kong sabi ni Sir Brick bago niya ako hinawakan sa kamay at dinala sa KFC. Papasok na sana kami nang makita ko ang pamilyar na mukha habang papalabas sa KFC. s**t, sabi ko na nga ba eh.
"Brick mamaya na!" Malakas na sabi ko sabay hila sa kaniya palayo.
"Cassidy?" Narinig kong tawag ni Elle. s**t, nakita niya ba ako? Dahil sa kaba ay tumakbo ako habang hila-hila ko si Sir Brick.
"Cassidy?!" Hindi siguradong tawag sa akin ni Elle. Hindi ako lumilingon dahil baka makita ako nito. Hindi nito pwedeng malaman na kasama ko si Sir Brick ngayon. Sasabihin ko na lang sa kaniya ang kung anong meron kami ni Sir kapag handa na ako.
"s**t, saan ba pwedeng magtago?" Natatarantang tanong ko sa aking sarili. Maya-maya ay naramdaman ko ang paghawak ng mahigpit ni Sir Brick sa aking kamay. Siya na ngayon ang humihila sa akin habang tumatakbo kami.
"s**t si Sir Indigo!" Sabi ko nang mapansin kong makakasalubong namin si Sir Indigo. Mabilis kong hinila si Sir Brick sa store na nasa gilid namin.
"Aray!" Daing niya ng maisandal ko siya ng malakas sa gilid.
"I'm sorry." Sabi ko habang hinahaplos ang nauntog niyang ulo. Inilibot ko ang aking paningin. Bakit parang walang bantay dito? Puro libro ang nakikita ko. Nasa Booksale pala kami.
"Si Cassidy ba talaga yun? Baka kaboses lang." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Elle malapit sa pinagtataguan namin. s**t, bakit kasi dito pa kami natapat sa Booksale? Addict sa libro si Elle, baka maisipan niyang tumingin-tingin dito!
Napasiksik ako sa pinagtataguan namin ni Sir Brick nang makita ko ang pagpasok ni Elle. Ito na nga bang sinasabi ko eh!
"Elle? What are you doing here?" Nahigit ko ang aking paghinga ng marinig ko naman ang boses ni Sir Indigo.
"I'm leaving." Sagot ni Elle kay Sir Indigo.
"Wait, let's talk." Sabi naman ni Sir Indigo bago niya sinundan si Elle palabas. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon.
Narinig ko ang pagtikhim ni Sir Brick. Dahil doon ay umangat ang tingin ko sa kaniya. Kaagad akong nagsisi nang gawin ko iyon. Ngayon ko lang napansin ang pwesto naming dalawa. Magkatapat kami habang ang mga kamay niya ay nasa pagitan ng aking ulo. Masikip ang kinaroroonan namin kaya tumatama ang hininga niya sa aking noo. Aalis na sana ako nang bigla niya akong hapitin at pagpalitin ang aming pwesto. Ako na ngayon ang nakasandal sa pader habang siya naman ay nasa pwesto ko kanina.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi dahil sa ilang pulgada na lamang ang layo ng mga mukha namin sa isa't, isa. Nakagat ko ang aking ibabang labi nang ipantay ni Sir Brick ang mukha niya sa akin.
"f**k, this is crazy." Bigla akong napatingin sa kaniya nang sabihin niya iyon. Napasinghap na lang ako nang tawirin niya ang pagitan ng aming mga labi. Para akong nalulunod nang maglapat ang aming mga labi. Banayad lamang ang paghalik niya sa akin. Parang ayaw niyang masaktan ako sa ginagawa niya. Muli akong napasinghap nang haplusin niya ang aking leeg habang magkalapat pa rin ang aming mga labi. Yes, this is crazy.
Kumawala ang mahinang ungol mula sa akin nang palalimin niya pa ang paghalik. Mababaliw na ako sa ginagawa niya!
"Stop following me! Bibili ako ng libro, hindi ako tatakas! Kaya please Indigo maghintay ka sa labas kung talagang gusto mo akong makausap!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Elle. Malakas na itinulak ko si Sir Brick pero wala iyong nagawa ng hapitin niya pa akong lalo. Ang kaniyang kaliwang kamay ay nasa likod ng aking ulo. Pinipigilan niya akong bumitaw sa halik na iyon. Ang kanan naman niyang kamay ay nasa baywang ko. Ayaw niya akong pakawalan! Muli ko siyang itinulak, pero isang pagtutol na ungol ang isinagot niya sa akin at mas lalo pang pinalalim ang halik na ibinibigay niya sa akin.
"Tapos na. Pwede ba 'wag kang dumikit sa akin, baka kung anong isipin ng mga estudyante mo kapag nakitang kasama mo ako!" Narinig kong inis na sabi ni Elle kay Sir Indigo palabas ng Booksale.
Habol ko ang aking paghinga nang pakawalan ni Sir Brick ang aking mga labi. Maging siya ay ganoon rin habang nakatitig kami sa mga mata ng isa't, isa. Dalawang kamay niya na ang nakahawak sa aking bewang. Masyado pa rin kaming malapit sa isa't, isa.
"I-Im h-hungry." Wala sa sariling sabi ko kay Sir Brick. Nakita ko ang kaniyang pagngiti. Totoong ngiti, ngiti na matagal ko nang pinapangarap na ipakita niya sa akin.
"I'm sorry, sa lahat ng mga sinabi ko sayo." Nanlaki ang mga mata ko dahil doon. Wait? Brick Montecillo? Humihingi ng tawad sa akin?
"I'm sorry, alam kong mali ako." Sabi pa niya bago siya nagpakawala ng isang malalim na paghinga. Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam ang sasabihin ko. Naramdaman ko ang paghawi niya sa ilang buhok na humaharang sa aking mga mata. Muli akong napasinghap nang bigyan niya ako ng mabilis na halik sa labi.
"Let's go." Nakangiting sabi niya bago ako hinila palabas ng Booksale.
Anong ginagawa niya? Bakit? Bakit ganoon? Naguguluhan ako!