"So, sinabi mo sa Mama mo na boyfriend mo si Sir Brick?" Salubong ang dalawang kilay na tanong ni Elle sa akin.
"Yes. Well, nagbibiro lang naman ako no'n, pero alam mo na, parang gusto kong magkatotoo ang mga sinabi ko." Nakangiwing sagot ko kay Elle. Tumayo si Elle at lumabas ng classroom. Kaagad naman akong nag-ayos ng aking mga gamit at sumunod sa kaniya.
"Cass, I don't want to say this, but, you're so stupid. Hindi ka ba nadala sa mga sinabi ko sayo about sa amin ni Indigo?! Sakit lamang ang idudulot sayo ng mga taong katulad nila!" Inis na sabi sa akin ni Elle. Yes, naikwento niya sa akin ang tungkol sa kanila ni Sir Indigo. They were best of friends before. Kahit noong hindi pa guro si Sir Indigo. Nabanggit rin sa akin ni Elle na they had a relationship na tumagal lamang ng almost one year. They broke up—no—hindi pa pala sila break. I mean, walang closure. That's because Sir Indigo left Elle. I don't know the reason pero ayaw ko nang alamin, dahil wala naman akong karapatang malaman ang mga bagay sa pagitan nilang dalawa. Tama na iyong nalaman ko kung bakit ganoon na lamang ang pagtatalo nila noon sa cafeteria.
"Yes, I'm stupidly in love. Elle, I just want to try. Kung hindi talaga pwede, eh di hindi. Madali lang naman eh." Sagot ko sa kaniya habang nakatingin sa aking mga dalang gamit. Napahinto ako sa paglalakad nang huminto si Elle. Kita ko ang inis sa kaniyang mga mata.
"Cassidy, hindi simple ang salitang pagmamahal. You should be smart when it comes to those things. And Sir Brick? I don't think na siya talaga ng para sayo. Kaibigan niya si Indigo, kaya sa tingin ko parehas sila ng paraan sa pananakit ng babae." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Elle.
"Magkaiba sila." Seryosong sabi ko sabay lakad. Naiinis ako, pero hindi kay Elle. Naiinis ako dahil, bakit kailangang maging related ang past ni Elle at Sir Indigo sa kung anong nangyayari sa akin ngayon?!
"Oh right, magkaiba sila, sa ngayon." Muli akong napatingin kay Elle nang sabihin niya iyon sa akin.
"Elle I—."
"Sinong magkaiba?" Nagulat ako sa pagsulpot ni Sir Indigo sa aming likuran. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin kay Elle.
"It's none of your business." Malamig na turan ni Elle bago naglakad paalis. Tiningnan ko muna si Sir Indigo saglit bago ako sumunod sa aking kaibigan.
"Sandali." Napatigil ako nang sabihin iyon ni Sir Indigo at hawakan niya ako sa aking braso.
"Bakit po?" Nakaangat ang kilay na tanong ko sa kaniya.
"I'll go talk to her. Dito ka lang—."
"Bakit niyo po ito ginagawa?" Seryosong tanong ko sa kaniya. Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Sige lang Sir Indigo, kapag pinaiyak mo na naman si Elle, isusumbong kita kay Kuya Reizon!
"Bakit ganiyan ka po kay Elle? Sir, ayaw ka niyang makausap, pero lapit ka nang lapit sa kaniya. Nasa—."
"Because I still love her." Napasinghap ako sa kaniyang sinabi. Bigla ring nanlaki ang aking mga mata.
"Mahal ko si Elle kaya gusto kong mapalapit ulit sa kaniya." Tiim ang mga bagang na sabi niya sa akin.
"Pero bakit ngayon lang? Bakit hindi—."
"Dahil naghintay ako. Hinintay kong dumating ang panahon na ito. I mean, magtatapos na kayo after two months. Pwede na ulit. Same as you and Bri—."
"Indigo." Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Sir Brick. Napasinghap ako nang makita ko siyang nakaigting ang mga panga habang nakatitig sa akin. Sinuyod ko ang kaniyang kabuohan. Nakasuot siya ng long sleeves at black slacks. Nakabukas ang dalawang botones ng kaniyang puting long sleeves na suot. Magulo rin ang kaniyang buhok na parang kagigising lamang. Pero hindi naman iyon nakabawas sa kaniyang kagwapuhan. Sa katunayan nga ay mas lalo siyang naging gwapo sa aking paningin.
Nabalik ako sa aking diwa nang biglang tumikhim si Sir Indigo. Nakangiti ito ng pilyo habang nakatitig sa akin.
"Mauuna na ako, may kailangan pa akong ayusin." Nakangiting paalam niya sa amin. Bigla akong nakaramdam ng hiya nang maiwan kaming dalawa ni Sir Brick. Naisip kong umalis na lamang at sumunod kay Elle. Pero bigla kong naisip ang sinabi ko noon, na ako ang manunuyo kay Sir Brick. Letse, bakit sinabi ko pa iyon? Parang inamin ko na rin na mababang uri ako ng babae.
"Anong mga sinabi sayo ni Indigo?" Napatingin ako kay Sir Brick nang itanong niya iyon sa akin.
"Huh?" Tanong kong wala sa sarili. s**t, calm yourself Cassidy!
"Nevermind." Malamig na sabi niya bago ako nilagpasan.
"A-Ano, w-wala naman siyang s-sinabing iba sa a-akin." Napapikit ako ng mariin nang mautal ako sa pananalita. Bakit kailangan maging ganoon. Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman ko ang pagkabog niyon ng malakas.
"Okay." Maikling sagot niya sabay hagod ng tingin sa akin.
"I like your dress." Sabi niya sabay lakad paalis. Bigla akong namula dahil doon. Nagustuhan niya?!
"Sir!" Sigaw ko sabay takbo palapit sa kaniya.
"What?" Supladong tanong ni Sir Brick sa akin. Ang gulo talaga niya kahit kailan.
"Ako Sir? Do you like me?" Matamis ang ngiting tanong ko. Tumigil siya bigla sa paglalakad at mariin akong tiningnan.
"Stop living with your fantasies. I'm your Professor and that will never happen. I'm leaving." Napalunok ako sa kaniyang sinabi.
"Cassidy don't cry, ngayon lang ito. I'll make sure na kakainin ni Sir Brick ang mga sinabi niya." Bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang papalayong si Sir Brick. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga bago ako naglakad papunta sa library. Iyon lang ang alam kong lugar na tahimik. Kumuha ako ng libro at umupo sa pinakadulo ng library. Kung saan walang makakakita sa akin.
Ano bang gagawin ko para magustuhan ako ni Sir Brick? Napakalabo niya naman kasi.
Muli kong naalala ang sinabi ni Sir Indigo. Mabuti pa si Elle, siya ang hinahabol. Samantalang ako, kailangan pang makagawa ng mali bago mapansin o kaya tapunan ng tingin ni Sir Brick.
"No, I have plans for the whole week." Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses na iyon.
"What?! Why are you doing this to me Mom?" Tatayo na sana ako para umalis nang bigla siyang lumitaw sa harap ko habang may kausap sa cellphone. Napaiwas ako ng tingin, lalagpasan ko na sana si Sir Brick nang humarang siya sa daraanan ko. Wala akong magawa kundi ang hintayin na lang na matapos ang tawag niya.
"I already have a girlfriend. Ipapakilala ko siya sa inyo. Kaya please, cancel that bullshit arrange marriage!" Nakaigting ang mga pangang sabi ni Sir Brick sa kausap sa kabilang linya.
Gusto kong maiyak. May girlfriend na siya? Tama nga si Elle, I should stop. Umpisa pa lang talo na ako. Umpisa pa lang wala na akong pag-asa. At isa pa, kahit wala siyang nobya, may nakatakdang ipakasal sa kaniya. Nakakahiya, nakakapangliit.
"How old are you again?" Napaangat ako ng tingin kay Sir Brick. Nakita ko siyang nakatitig sa akin.
"Huh? Ah, twenty-one po." Naiilang na sagot ko. s**t, Cassidy, nasaan na yung malanding ikaw? Grab the opportunity na, kayo lang dalawa yung nandito oh!
"Good." Seryosong sabi niya.
"Para saan po yun?" Nagtatakang tanong ko.
"I'll call you later. Umuwi ka na ngayon, wala kayong klase." Nalilito ako. Ano na namang meron? Bakit nagkakaganoon na naman siya?!
"Sige po, ito num—" Natigil ako sa pagpindot sa aking cellphone nang ipakita niya sa akin ang laman ng kaniyang phonebook.
"How—."
"I'm your Professor, nasa akin ang ibang files niyo. Doon ko nakuha ang number mo." Matigas na sabi niya bago umalis. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano.
"Pero bakit number lang ng parents niya, ni Sir Indigo at akin, ang naroon?" Kunot ang noong bulong ko. Hindi ko na lamang iyon pinansin at muli na akong nagpatuloy sa pagbabasa.
Nang magsawa na ako sa pagbabasa ay nagpasya na akong umuwi. Tutal sabi ni Sir Brick wala na raw kaming klase.
"Nasaan yung boyfriend mo?" Malaki ang ngiting tanong sa akin ni Mama pagdating na pagdating ko sa bahay. Napatawa ako dahil doon. Sineryoso talaga niya? Pero wala naman akong sinabi kay Mama na biro lamang iyon, kaya bahala na.
"Nasa scho—ibig kong sabihin ay nasa trabaho." Nakangiwing sabi ko sabay lakad papunta sa kusina. I need water.
"Ano nga ulit ang pangalan niya at anong trabaho?" Tanong sa akin ni Mama.
"Po? Ah, Brick po. Isang b-business man." Sagot ko kay Mama bago ako uminom ng tubig.
"Brick? Pamilyar sa akin ang pangalan na iyan. Anong last name niya?" Nakangiting tanong ni Mama.
"M-Montecillo." Sagot ko sabay inom ulit ng tubig.
"Montecillo?!" Naibuga ko ang aking iniinom nang sumigaw si Mama. Anong problema niya?
"Isa siyang Montecillo?" Kunot ang noong tanong ulit ni Mama.
"Bakit ba 'Ma? May problema ba?" Takang tanong ko.
"Wala, may naalala lang ako bigla." Nakangiting sabi ni Mama bago ako iniwan sa kusina. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at tumungo na sa aking kuwarto. Inabala ko ang aking sarili sa pakikinig ng music at pagtugtog ng gitara. May ilang oras rin ako sa aking ginagawa ng makaramdam ako ng gutom. Alas nuebe na pala ng gabi, bakit hindi ko iyon napansin?
Lalabas na sana ako ng kuwarto nang tumunog ang aking cellphone. Unregistered number ulit. Kaya hindi ko sinagot. Pero walang tigil sa pagtunog ang aking cellphone. Dahil sa inis ay sinagot ko na rin. Baka kasi importante.
"Hello?!" Inis na sagot ko.
"Ganiyan ba ang tamang pagbati sa iyong Propesor?" Nanlaki ang aking mga mata sa isinagot niya. Wait?!
"Sandali lang, may titingnan lang ako." Sabi ko sabay open ng message box.
"s**t, siya yun?!" Bulong ko habang tinitingnan ang message niyang hindi ko nireplyan.
"Yes, ako nga iyon." Nagulat ako nang sumagot si Sir Brick sa kabilang linya. Narinig niya pala ang sinabi ko.
"Ano pong kaila—."
"I'm outside." Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Kaagad akong tumungo sa aking bintana at sumilip. Nasa labas nga siya! Nakasandal sa kaniyang kotse habang hawak ang cellphone.
"Ano pong ginagawa niyo rito?" Tanong ko. Gosh, kinakabahan na kinikilig ako.
"I want to talk to you. Pwede ka bang lumabas?" Tanong niya sa akin.
"Sige po." Sagot ko bago ko pinatay ang tawag. Muli akong sumilip sa bintana. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang kaniyang pagngiti. What was that for?
Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit. Masyado akong kinikilig at nananabik na makita siya kaya wala na akong pakialam sa ibang bagay.
"Can't you wear your clothes properly?" Kunot ang noong tanong niya sa akin pagkalabas ko ng gate. Sinuyod niya ako ng tingin sabay iwas ng kaniyang mga mata.
"Wear something decent. Ayaw ko ang ganiyang pananamit mo." Seryosong sabi niya. Napangiti ako dahil doon kaya saglit akong nagpaalam at nagpalit ng damit na maayos. Nang maihubad ko na ang aking T-shirt ay parang gusto kong magpalamon ng buhay sa lupa. I forgot to wear my bra!!
Biglang tumunog ang aking cellphone kaya sinagot ko kaagad iyon.
"Bakit ang tagal mo?" Iritadong tanong sa akin ni Sir Brick.
"Tapos na, lalabas na ako." Namumulang sagot ko sabay baba ng cellphone.
"Ang puso mo, Cassidy. Makakalimutan rin ni Sir Brick ang nakita niya kanina." Nakangiwing sabi ko sa harap ng salamin bago ako lumabas ng bahay.
"Ano pong pag-uusapan natin?" Tanong ko pagkalabas ko ng bahay.
"Do you have a boyfriend?" Tanong niya sa akin.
"Po?" Naguguluhang tanong ko. Bakit niya itinatanong iyon.
"Hindi ba mahal mo ako?" Napatitig ako sa kaniyang mga mata ng sabihin niya iyon.
"O-Opo." Nahihiyang sagot ko.
"Be my girlfriend." Nabitawan ko ang hawak kong cellphone nang sabihin niya iyon sa akin.
"Why?" Mahinang tanong ko.
"Ayaw mo ba?" Tanong ni Sir Brick pabalik sa akin habang pinupulot ang cellphone ko.
"You want me to pretend as your girlfriend?" Walang ganang tanong ko sa kaniya.
"Yes. But if you don't want the id—"
"Sure, I'll be your girlfriend. I'm willing to pretend as your girlfriend." Nakangiting sabi ko kay Sir Brick. Nakita ko ang kaniyang pagngisi. Wala na akong pakialam kung gaano na kababa ang tingin niya sa akin. Basta gagawin ko ang lahat para mauwi sa totohanan ang pagpapanggap namin.
"Alam mo ba kung para saan iyon?" Tanong sa akin ni Sir Brick.
"Para hindi matuloy ang kasal mo? I'm sorry, narinig ko yung mga sinabi mo kanina." Sagot ko sabay iwas ng tingin.
"It's our secret, promise me wala kang pagsasabihan na iba." Napipilitang tumango ako kay Sir Brick.
"Pumasok ka na, pupunta ako rito bukas. Pag-usapan natin ang iba pa nating gagawin." Parang bigla akong nakaramdam ng kaba nang mapagtanto ko na ang lahat.
"Sir, hindi ba, paglabag ito sa batas?" Mahinang tanong ko na nagpatigil sa akmang pagbukas niya ng pinto ng kaniyang kotse.
"That's why it's a secret. We only have to pretend for a month. Aalis na ako." Sabi niya bago pinaharurot ang kotse. Dapat masaya ako, kasi kami na kahit na palabas lang ito. Pero bakit, ang sakit? Bakit nasasaktan ako? Pwede bang bawiin ko na lang ang pagpayag ko sa alok niya? Pwede bang wag na lang?
"Tama ako, magkaiba nga sila ni Sir Indigo. Mas malala siya kay Sir Indigo. Mas grabe siya manakit." Umiiyak na bulong ko habang nakatitig sa papalayong kotse ni Sir Brick.
Well, wala na, nasabi ko na eh. Pumayag na ako sa kabaliwang iyon. Isang buwan lang naman. Kaya ko naman sigurong tiisin iyon. At isa pa, napakababa na nang tingin niya sa akin. Papanindigan ko na lang.