Umuulan, ang lakas ng ulan. May bagyo yatang darating.
"Anak, hindi ka ba papasok? Hindi ba't may activity kayo sa school?" Tanong sa akin ni Mama.
"Hindi 'Ma, wala naman akong gagawin doon. Saka, umuulan, nakakawalang gana manood." Sagot ko, pero hindi naman talaga iyon ang dahilan kung bakit hindi ako papasok. Nalaman ko kasi sa nurse na tumingin sa paa ko kahapon na aalis si Sir Brick. Kasama raw ito ng Daddy nito sa isang business meeting.
"Ganoon ba. Kumusta na iyang paa mo?" Tanong pa sa akin ni Mama. Sasagot na sana ako nang muling sumagi sa aking isipan ang mga sinabi ni Sir Brick. Bigla akong kinilabutan. Pero ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi.
"Masakit pa ba?" Tanong pa sa akin ni Mama. Tumango na lamang ako bilang sagot bago ako tumayo at paika-ikang naglakad papunta sa aking kuwarto.
Kunot ang noong tumingin ako sa malaking salamin sa aking kuwarto. Simpleng damit lamang ang suot ko ngayon. Hindi katulad nung mga damit na sinusuot ko kapag pumapasok ako sa school. Mukha ba talaga akong pakawalang babae kapag ganoon ang suot ko? Bakit ba laging pinupuna ni Sir Brick ang aking damit? Sumasabay lang naman ako sa kung ano ang uso.
Bigla akong napatingin sa aking cellphone na kasalukuyang tumutunog. Tumatawag si Elle. Malamang na papagalitan na naman ako nito.
"Hello?" Tanong ko nang sagutin ko ang kaniyang tawag.
"Hindi ka ba pupunta rito sa school? Kanina pa kita hinahanap." Sabi ni Elle mula sa kabilang linya.
"Hindi, masakit pa kasi ang paa ko." Sagot ko sabay higa sa aking kama.
"Masakit ba talaga? Baka naman nalaman mong wala rito si Sir Brick kaya hindi ka papasok." Sabi ni Elle na sa tingin ko ay magkasalubong ang mga kilay sa mga oras na ito. Isang mahinang pagtawa ang aking pinakawalan.
"Cass—."
"I'm in love." Putol ko sa sasabihin sana ni Elle.
"I know, kaya nga lagi kitang pinapaalalahanan." Napangisi ako sa kaniyang sinabi.
"Cassidy, mahirap iyang sitwasyon mo. Masasaktan ka lang." Bumangon ako nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Napatitig ako sa labas ng bintana nang muling lumakas ang buhos ng ulan.
"Anong gagawin ko? Nandito na, nararamdaman ko na. Hindi ko naman ito basta mapipigilan." Mababa ang boses na sabi ko habang naglalakad para isarado ang bintana ng aking kuwarto. Pumapasok kasi ang tubig-ulan.
"Maghanap ka ng iba. Maraming lalaki sa mundo." Marami nga, pero mahal ko ba? Si Sir Brick lang ang mahal ko.
"Elle, alam kong maraming lalaki na pwede kong mahalin. Pero iba si Sir Brick." Malumanay ang boses na sabi ko.
"Paanong iba? He insulted you. Hinusgahan niya ang pagkatao mo tapos sasabihin mo, mahal mo siya? Baliw ka na." Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Baliw na nga siguro ako. Baliw kay Sir Brick.
Tumagal nang ilang minuto ang pag-uusap namin ni Elle bago siya nagpaalam na may gagawin pa sa school. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Hindi na maririndi ang aking tainga sa kakapangaral niya.
Muli akong nahiga sa aking kama at pinagmasdan ang puting kisame ng aking kuwarto. Am I really in love? Bigla akong napahawak sa aking dibdib nang kumabog iyon nang mabilis. Mahal ko nga siya.
Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Hindi ako gusto ni Sir Brick pero nagawa niyang sabihin sa akin ang mga iyon?
He wants us to do that?
Shit! He's impossible! Bakit kailangang sabihin niya pa iyon? Ganoon na ba talaga kababa ang tingin niya sa akin?! Ano bang gusto niyang gawin ko para maging pareho ang nararamdaman namin?
"Anak, may bisita ka!" Sigaw ni Mama mula sa labas ng aking kuwarto. Bisita? Sino namang bibisita sa akin?
"Opo, magpapalit lang ako ng damit." Sagot ko sabay bangon. Mabilis akong nagpalit ng damit, pagkatapos ay paika-ika akong lumabas ng aking kuwarto.
Muntik nang malaglag ang panga ko nang makita kong nakaupo sa aming sofa ang bisitang tinutukoy ni Mama. What is he doing here? I thought umalis siya kasama ng Daddy niya?
"Maiwan ko na muna kayo." Sabi ni Mama nang makalapit ako. Napatitig ako kay Sir Brick nang tumikhim siya pagkaalis ni Mama. Nakita ko ang pagsuyod ng kaniyang mga mata sa akin. What? May mali na naman ba sa suot kong jogging pants at malaking T-shirt?
"Ano pong ginagawa niyo rito?" Naiilang na tanong ko. Hindi pa kasi natatagalan nang maalala ko ang mga sinabi niya kahapon.
"Napadaan lang ako." Seryosong sagot niya sa akin. Ano na ngayon ang sasabihin ko? Magtititigan na lamang ba kami?
"Aren't you going to sit? Baka mangalay ang paa mo." Cassidy! Ito na, make a move! Ayan na oh! Siya na mismo lumalapit, tagumpay na ang mga ginawa mo!
"Anak, anong gusto niyong merienda?" Tanong ni Mama nang makaupo ako sa pang-isahang upuan.
"Ah, wag na po, hindi naman ako magtatagal." Nakangiting sabi ni Sir Brick na nagpatigagal sa akin. Bakit ganoon?! Bakit sa akin hindi niya magawang ngumiti ng matamis?
"Ganoon ba? Pero hijo, ano ka ba ng anak ko?" Nanlaki bigla ang aking mga mata sa tanong ni Mama. Hindi niya nga pala alam na Professor ko si Sir Brick!
"I'm her—"
"Boyfriend ko 'Ma!" Malaki ang ngiting sabi ko. Naramdaman ko ang pagtitig sa akin ni Sir Brick. Marahil ay pinapatay niya na ako sa kaniyang isipan.
"Talaga? Naku, Cassidy wala kang sinasabi sa akin. Hindi ba ang bilin ko, pagkatapos mong mag-aral saka ka pa pwedeng magnobyo?" Taas ang kilay na sabi ni Mama.
"Hindi niya po ako nob—."
"Sinabi ko na iyon sa kaniya 'Ma. Pero mapilit siya dahil mahal na mahal niya raw ako." Sabi ko habang nakangisi. Napatingin ako kay Sir Brick nang tumayo siya.
"Kunsabagay, matanda na rin naman ako. Gusto ko na ring makita ang mga apo ko sa inyo." Nakangiting sabi ni Mama.
"What?" Kunot ang noong sabi ni Sir Brick. Hindi ko na napigilan ang pagtawa ng malakas. Hindi na kasi maipinta ang kaniyang mukha.
"Hijo, palagi kang dumalaw dito ah. Alam mo na, gusto ko kayong palaging makita." Sabi ni Mama sabay hawak sa kamay ni Sir Brick.
"Po? Ah, s-sige po." Napipilitang sabi ni Sir Brick.
"Sige 'Ma, ihahatid ko lang siya sa labas." Natatawang sabi ko sabay hawak sa balikat ni Sir Brick. Tulak-tulak ko siya palabas ng bahay.
"What was that for? Anong kahibangan iyong mga pinagsasasabi mo?! Boyfriend? Cassidy, Propesor mo ako, hindi magan—."
"We're not in school. At isa pa, hindi ba't hindi rin maganda iyong sinabi mo sa akin kahapon? Hindi lang pala kahapon, pati nung last Saturday." Sabi kong nakatitig sa kaniya ng matiim. Napansin ko ang pagtagis ng kaniyang mga bagang at ang pagtitig niya sa akin na parang kakainin niya ako ng buhay.
"Ano po ba talagang ginagawa mo rito?" Nakangiting tanong ko. Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Sir Brick.
"I don't know." Sagot niya sa akin. Napangiti ako dahil doon.
"Gusto mo akong makita. Yun ang dahilan kung bakit nandito ka." Sabi ko sa siguradong tono.
"Aalis na ako, mawawala ako nang isang linggo. Don't try to—." Bigla siyang napahinto sa pagsasalita. Tumaas ang mga kilay ko. Hinihintay na tapusin niya ang sinasabi.
"Fuck." Mahinang sabi niya habang nakatingin sa baba.
"Don't try to what?" Nakaangat ang kilay na tanong ko. Kinikilig ako sa isiping nagpapaalam siya sa akin.
"Nothing, forget about it. Aalis na ako." Tiim ang bagang na sabi niya sabay lakad paalis.
"Don't try to flirt with other guys? Don't try to wear short skirts? Or don't try to love someone else? Alin doon?" Nakangising tanong ko na nagpatigil sa kaniyang paglalakad.
"Lahat iyon." Matigas na sabi niya.
Biglang nanlaki ang mga mata ko. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi.
"Why?" Kinikilig na tanong ko.
"Because you are my student! And I'm leaving!" Seryosong sabi niya sabay lakad ulit paalis.
"f**k, you're driving me insane." Napasinghap ako nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Bulong lamang iyon pero narinig ko pa rin. Anong ibig niyang sabihin?
Nang makasakay si Sir Brick sa kaniyang kotse ay kaagad niya iyong pinaharurot. Nakakainis, bakit ba ang labo niya? Bakit hindi niya na lang ako diretsuhin?
Papasok na sana ako sa loob nang tumunog ang aking cellphone na nasa bulsa. Unknown number ang tumatawag. Hindi ko sinagot dahil hindi ko naman kilala.
"Answer my call!" Napatakip ako sa aking bibig nang mabasa ko ang text na iyon. Sino ba ito?! Kaloka! Hindi ako nagreply. Hinayaan ko na lamang at pumasok na ako sa bahay.
After one week, bago ko pa ulit makita si Sir Brick. Hindi na ako makapaghintay. Dahil sa pagbabalik niya, mag-uumpisa na ako sa panunuyo.