"I really want to slap you right now!" nakairap na sabi sa akin ni Elle. Naikuwento ko kasi sa kaniya ang nangyaring pagpunta ni Sir Brick sa bahay. Hindi ko na lamang isinama ang ginawa niyang paghalik sa akin dahil malamang sabunot ang abot ko kay Elle. "Blame my feelings, maging ako, hindi ko na rin minsan maintindihan ang nararamdaman ko para kay Sir Brick. Oo mahal ko siya, pero ganoon ba talaga kapag mahal mo ang isang tao? You can easily forgive and forget all those bad things na nagawa, ginagawa at gagawin niya sayo?" Nakapangalumbabang tanong ko kay Elle. Narito kami ngayon sa isang classroom na pinagdarausan ng graduation pictorial. Sinamahan niya ako dahil naaawa raw siya sa akin. Ako na lamang raw kasi sa aming magkakaklase ang hindi pa nakukunan ng litrato. "You're crazy in