Isang linggo na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kinakausap si Brick. Bahala siya sa buhay niya! Wala akong pakialam kung ilang beses man niyang sabihin kay Mama na nasasaktan siya sa ginagawa kong paninikil sa kaniya. Gago, siya pa ang may karapatang masaktan samantalang ako ang biktima! Magsama sila ng Amanda niya! "Alam mo kasi Cass, hindi lahat nadadaan sa ginagawa mo ngayon. Maybe you really need to give Sir Brick a chance. Walang mangyayari kung palagi na lang kayong mag-aaway." sabi sa akin ni Elle habang kumakain kami sa isang fast food chain. Ito pa talaga ang may ganang pangaralan ako para sa mga chance na iyan. Samantalang hindi nito mabigyan ng pagkakataong magpaliwanag noon si Sir Indigo. "Kasalanan naman kasi niya." naiirita kong sagot sabay kagat