Mataas na sikat ng araw na tumatama sa mukha ko ang siyang nagpagising sa akin. Pupungas-pungas na iminulat ko ang aking mga mata. Bahagya kong kinapa si Brick sa aking tabi pero wala siya kaya kaagad kong nilingon ang kaniyang puwesto. Marahil ay maaga itong nagising at bumaba na para makapag-almusal o di kaya'y may inasikaso lang. Muli kong ipinikit ang aking mga mata at pilit na sinasariwa sa isipan ang gabing pinagsaluhan namin ni Brick. Napapangiting umunat ako sa higaan bago mahigpit na niyakap ang unan na ginamit ni Brick. Mamaya na lang siguro ako babangon, medyo masakit pa kasi ang aking katawan. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata habang inaamoy ang unan kung saan naiwan ang bango ni Brick. Nakakabaliw talaga ito! Maya-maya'y narinig ko ang pagbukas ng pinto. Hindi