IT was a perfect day indeed. Asul na asul ang langit at katamtaman ang sikat ng araw sa San Ildefonso Parish Church, Makati City. Waring nakikiisa ang panahon sa magaganap na pag-iisang dibdib namin ni Luna. Masyado pang maaga pero hindi na makapaghintay ang lahat ng naroon sa pagdating ng bride. Pero alam kong walang papantay sa pagkasabik ko na makita siya. Kagabi ang huli naming pagkikita ni Luna sa mansyon. Kaninang umaga ay hindi na ako pinayagang makita ito sa pangunguna ni Manang Tess at Mayang. Para daw ma-excite naman kami sa hitsura ng isa't isa. Ayon pa kay Mayang ay mas may thrill daw kapag ganoon. Sinunod ko na lamang ang mga ito lalo at may pamahiin daw na bawal magkita ang mga ikakasal bago maganap ang seremonya. Gusto ko sanang kumontra dahil kahit paano ay kasal naman na k

