"AYOKONG sabihin 'to pero mukhang nasa iyo ang lahat ng swerte, twin brother. Ikaw ang nakasama ng mga magulang natin simula nang sabay tayong ipanganak, ikaw ang nagtamasa nang lahat lahat na dapat sana ay magkahati tayo. Pero maging sa asawa ay swerte ka rin pala. Napakaganda ng asawa mo. Gusto ko tuloy manghinayang na hindi natuloy ang tangkang pagyakap niya sa akin kanina," sabi nito nang kami na lamang dalawa. Binalikan ko siya sa sala pagkatapos kong ihatid sa silid si Luna. Dinatnan ko itong prenteng nakaupo sa sofa. Nanggigil ako bigla. Ora mismo ay gusto ko itong itaboy palabas ng pamamahay ko pero pinakapigil ko ang sarili. Kung mapapatunayan kong totoo ang sinasabi nito ay may karapatan din siya rito sa bahay. Lumapit ako sa kinaroroonan niya pero hindi ako nag-abalang umupo. N

