REGGIE Sa loob ng tatlong taon ng pagiging single ay hindi ko akalaing magkaka-interes pa ako sa isang babae. Matapos akong iwan ng babaeng pinag-alayan ko ng lahat dahil sa isang malalang karamdaman ay sinabi ko sa sarili na hindi na ulit ako magmamahal. Iyon din ang isa pang dahilan kung bakit ko ginustong hanapin ang kakambal ko. Nang sa gayon ay may makasama ako sa buhay pagdating ng panahon na matanda na ako. But that mindset of mine was eventually changed when I met this girl who happens to be my twin brother's secretary. Hindi ko na siya nakalimutan magmula nang gabing iyon sa employee's night ng kompanya ni Reagan. Dalawang taon akong nawala dahil naging busy ako sa mga business ko sa Singapore. Hindi kaagad ako nakabalik. I had flings and one night stand, yes. Pero hindi ko mag

