LUNA "YEHEY! Sabay kaming papasok ni Mommy sa school!" Tuwang-tuwa si Regina sa school uniform ootd niyang binili ni Reagan sa online. Nagpupumilit din kasi itong mag-school na raw dahil ako at ang kuya niya ay papasok na ulit sa eskwela. Oo tama kayo, mag-aaral na ulit ako. Ipagpapatuloy ko na ang course ko sa udyok na rin ng asawa ko. Napag-usapan kasi namin na magtapos na ako ng pag-aaral bago namin sundan si Regina. Gusto nito na matupad ko pa ang isa kong pangarap na makatapos ng pag-aaral bago ako magbuntis ulit. Excited ako na hindi ko mawari. Alam kong maninibago ako dahil matagal-tagal din akong nahinto pero ang lahat naman ay nadadaan sa pagtitiyaga. At alam ko rin na susuportahan niya ako anytime. "Wow! Ang ganda-ganda ng baby ko! Kamukhang-kamukha ni Mommy." Buhat sa kwarto n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


