LUCY
Matapos akong mag-offer to get him food I left Trent with Jae sa table namin. We have chosen the corner table. Maganda kasi ang view kitang-kita ang blue green na dagat. Riviera Santorini has a magnificent view. Kaya naman mahal ang accommodation per stay.
The restaurant, or what Trent calls “banquet,” has the best entries. A sumptuous meal that we can devour. Ako talaga iyong nag-suggest ng free food para sa amin. Sino kaya ang CEO ng kumpanya na ito mapasalamatan ko man lang. I should ask Mister Grumpy.
Pumunta na ako sa may steak bar. Binati ako noong Grego na empleyado.
“Yassou! Pos eisai,” bati nito.
“Anong ya zoo pause e say? Gago ‘to. Mukha ba akong aso? Sa ganda kong ‘to. At teka nga. Hindi pa nga ako nakaka order. Pause na agad,” I murmured.
“Hello! How are you, miss? What can I get for you?”
Marunong naman pala mag-Ingles e Greek pa ako. I don’t even know a single Greek phrase maliban sa alpha, beta, delta, and “kalimera,” which means good day.
“I’m fantabulous, and I know that. Hey, handsome! Can you give me a piece? Medium rare bloody mary.”
“I thought Filipinos like their steak well done.”
“Oh, sweetie, it's not for me. It’s for my hubby. That’s the way he likes his meat. . . bloody and rare.”
“Here’s your bloody medium-rare steak.”
“Thanks! Kalimera.”
“Kalimera,” bati rin nito.
I also added seafood pasta and a piece of baked potato with cheese and bacon tidbits on his plate. Pumunta ako sa may fruit and chocolate fondue station. I grabbed a plate at pinuno ko iyon ng chocolate-covered strawberries and a couple of sticks of chocolate-covered banana.
“Enjoy your meal, Mister Valencia,” I intentionally emphasized ‘yong “mister.”
“Thank you, Miss Montero.”
“Ang kulit ninyo naman, sir. I said, Lucy. Ayaw n’yo ng Lucy? Sige kahit precious sa akin ang Lotlot. Dahil exclusive lang kay Jae at Tonton. Okay, Lotlot na lang rin sir ang itawag ninyo sa akin. Dahil espesyal na kayo dito sa puso ko. Masyadong pormal ang Miss Montero.”
“Kumain ka na lang Miss Montero. Mukhang hindi ka naman diet sa dami ng strawberries mo.”
“Ah, ito, sir? To share po. Banana gusto mo?”
Inalok ko siya ng isang stick ng chocolate covered banana at ang isa ay sinubo ko ng marahan sa bibig ko. Nakatitig ako sa mga mata niya habang isinusubo ko iyon. I stopped a millisecond emphasizing how round my lips are on the tip of the banana. Kitang-kita ko ang makailang beses na paglunok nito. His Adam's apple are so darn sexy! He grabbed his water goblet and gulped the water in it all at once.
“Okay ka lang, sir?”
“Yes, I am.”
“Lotlot, kumain ka na nga. Kung ano-anong paglalandi ang ginagawa mo riyan,” saway ni Jaedynn sa akin.
“So?”
“Anong so?”
“Gusto mo rin ng banana, Jae? It’s so yummy!Mm-hmm . . . it’s hard and sweet.”
Binatokan ako ng wagas ng pinsan ko.
“Aray! Ano ba, Jae?”
“Umayos ka! Kung ano-anong natutunan mo kapapanood ng mga Mexican telenovela.”
Inismiran at inirapan ko ito ng mata at hinarap muli ang target ko. Konting-konti na lang bibigay ka rin. At sa oras na halikan mo akong muli. I won’t settle for just a kiss. Nangulumbaba ako habang pinagmamasdan ko si Trent. Pansin ko naman ang pagsulyap-sulyap ni Miss Jade sa mesa namin.
“Eh,ako Mister Valencia? Anong pagkain ako para sayo?” Biglang tanong ko rito.
He choked a little. I handed him a water goblet dahil ubos na ang tubig niya. He drank the water on the same goblet I was drinking earlier. Ayiee! Kiss na rin ‘yon. I couldn't help myself. I giggled. Kinikilig kasi ako sa isang baso lang ginamit namin. That was sweet!
Then, Mr. Valencia looked at my plate overflowing with chocolate-covered strawberries. Nakain ko na iyong banana habang binabatokan ako ni Jae.
“Strawberry,” sagot niya habang matiim na nakatingin sa aking mga labi.
“Strawberry?”
“Mabango, matamis, nakakatakam.”
“Oh, are you describing me? Mabango, matamis, nakakatakam," I said and winked at him,"am I that alluring to you?”
“More than that," aniya.
“Gaanong ka more?”
Hindi ako nito sinagot bagkus he tapped the table once, showing me the paper tissue with a number
727 on it. Then, he stood up and leaned on me, “meet me at nine tonight, bae.”
Bae! Holy mackerel! May endearment pero walang commitment? Ano ‘to lokohan? Paasa ka Trent. Pero okay lang umasa at least sumugal ako. I took the risk, and I am happy—nariyan naman si Jae. I know no matter what happens, hindi ako iiwan ng pinsan ko. He’s been my shield for the longest time.
Natural na walang preno ang aking bibig. Kaya madalas sa minsan dahil sa taglay kong kagaslawan akala ng lahat sa eskuwelahan ay papalit-palit ako ng nobyo. Pero ang totoo ni isa ay wala pa akong naging kasintahan. They are not my type. Gusto ko kasi iyong mas matanda sa akin para matured na mag-isip. Feeling ko kasi kapag may age gap the relationship flows smoothly kaysa sa kaederan ko lamang na puro sweet moments lang ang alam.
I like my first serious relationship to be challenging. Iyong tipong masarap kapag bawal. Gusto ko yong komplikado. I am not saying I wanted to be a third party or a mistress. Never in my dreams! Ang labo ko ba? Ayokong maging kabit lang katulad ng mommy ko. Buti na lang namatay sa aksidente ang unang asawa ni Daddy kaya napakasalan niya ang mommy ko.
I am the only heiress of Montero Textile. We are one of the largest fabric suppliers sa buong bansa. At the age of sixteen, hinasa na ako ni Daddy sa negosyo. He forced me to master all different fabrics pati na rin ang manufacturing process. Dad wanted me to take Business Management and Finance sa kolehiyo pero ang hilig ko talaga ay ang pagluluto. So, after my debut. I ran away. Namuhay akong mag-isa at tumakas ako sa buhay na sunod-sunuran lang sa gusto ng tatay ko.
I applied as a working student at Celestial Culinary Academy. Kapalit noon ang scholarship at monthly allowance. Hindi kalakihan ang allowance pero sapat naman para sa renta ng boarding house, pagkain at pamasahe papunta sa eskuwela. Pinasok ko ang pagiging part-time ramp model. Dahil bawat rampa ay limang daang piso ang bayad. That sustained me to live on my own for a couple of years.
Ngunit sa kasamaang palad natuntun ako ni Daddy at sapilitang pinauwi sa Bulacan.
“You are grounded!”
Para akong nasa hawla. Bahay at eskuwelahan lang. May bodyguard at may driver. Ni hindi ko masuholan ang driver para makapagliwaliw ako. I hated those days. Pero si Cici malaya. Walang pakialam si Daddy sa kaniya. Samantalang si Mommy naman lahat ng atensyon ay nasa ampon niyang si Lucille.
“Jae, una na ako sayo. I am not feeling well.”
“Alam mong bawal sayo iyang chocolates nilantakan mo.”
“Gusto ko lang naman akitin si Trent.”
“Lot, if he likes you hindi siya magpapatumpik-tumpik pa. Sa ganda mong ‘yan. Let him find the way for both of you. Wag ‘yong ikaw nagkakandarapa riyan.”
“Hayaan mo na ako, cousin. Just this once.”
“Bahala ka! Kapag ikaw napahamak—”
“I know you’ll be there for me.”
“Gora na! Take your meds. I’ll check on you later.”
Pumanik na ako sa bedchamber namin na mga trainee. Nakatulog ako, and it’s quarter to 9 PM when I woke up. I briskly fixed myself and ran to the rooftop. Sa sobrang excitement muntik pa akong madulas sa hagdan. Sa kasamaang palad hindi kaaya-aya ang nakita ng aking mga mata.
Trent was embracing Jade. Her head was leaning on his chest. Trent kissed Jade on her forehead down to her lips. Para akong binuhusan ng balde na puno ng yelo. I stood frozen. Pinanood ko pa talaga silang maghalikan. Pero dahil sa may taglay akong katangahan nasagi ko ang latang basurahan that made a noise.
Mabilis akong tumalilis pababa ng hagdan. Hindi ko kaya. Ang sakit! Alam mo 'yong break up na wala namang jowabelles? Letsugas! Ganito pala ang pakiramdam ng ma double busted. Kaya pala todo deny siya meron na pala siyang iba. Akala ko ba bawal ang employee relationship, then why is he kissing Jade?
“Lotlot, wait up!” sigaw niya.
Hindi ako nakinig I ran as fast I could. Ngunit mas mabilis siya with his long strides he kept up with me. Iniyakap niya ang kaniyang mga braso sa akin habang nakatalikod ako sa kaniya. Parang tinusok ng ilang libong karayom ang puso ko. Ang tanga ko naman! May nagustuhan na nga ako may sabit naman pala.
“Let me go,” nagpapalag ako ngunit mas hinigpitan niya ang yakap sa akin. Ibinaon niya kaniyang ulo sa leeg ko. His warm breath gave me shivers. He planted tiny kisses on my bare shoulders to my nape and neck. Ang tanga ko hinayaan ko siya. Madilim sa paligid at bawal ang mga empleyado sa lugar na iyon. There was a code to enter the rooftop he wrote on a table tissue kaninang lunchtime sa mesa.
“What you saw is nothing, Lot.”
“You don’t need to explain. Hindi naman kita ka ano-ano. Wala namang tayo. Forget that I tried to like you. I mean, I did like you. Pero ayoko sa mga sinungaling. Please, let me go and stay away from me, Mr. Valencia.”
“I’m sorry,” pinaharap niya ako sa kaniya.
Trent was about to kiss me pero umiwas na ako. Hindi naman ako kaladkarin. Magaslaw at pranka ako. Oo. Pero martyr like my mother? Hell no!
“I don’t need your apology. You are just one of those boys I play around with—my collection.”