Rejection

2312 Words
LUCY Excited akong makita si Trent. Lakad takbo ang ginawa ko dahil inakala kong late na ako sa usapan namin. Parang gumuho ang aking mundo at nagkapirapiraso ang aking puso ng makita ko si Trent at Jade na magkahalikan. They look so sweet together. I hate Trent. Sinungaling siya! Wala siyang pinagkaiba sa mga lalaking gusto lamang akong matikman. Handa na sana akong umamin na siya ang unang lalaki sa buhay ko ngunit naglaho ang lahat maging ang aking pantasya kung ano ang pakiramdam habang inaangkin niya. Daig ko pa ang nakipaghiwalay sa isang long time boyfriend ni hindi naman kami. I only met him this morning pero ang tindi ng epekto sa akin. Pakiramdam ko wasak na wasak ako. Bukas pa naman ang opisyal na trabaho namin kaya naisipan kong magliwaliw sa labas ng Riviera Santorini. This is me the classic Lucy, layas. I’ll go wherever my foot takes me. Napadaan ako sa isang bar.Kaharap noon ay dalampasigan kaya nainganyo akong pumasok. Napaka-ingay naghalo-halo na ang amoy ng alak,pawis, anhit at usok ng sigarilyo. Nilamon ako ng sama ng loob. Unang beses akong nasaktan. Unang pagkakataon nagkagusto ako sa isang lalaki. Ganito pala ang pakiramdam.I am going insane. What is wrong with me? Anong hindi kagusto-gusto sa akin? ‘Di hamak na mas maganda ako kaysa sa Jade na ‘yon. I’d like to try if the alcohol does help to numb the pain. I haven’t tried tequila or vodka shots. I do drink wines and some cocktails. It’s part of my course work as a culinary arts student na maging bihasa sa iba’t ibang klase ng wines.Ginagamit rin iyon sa pagluluto. Right now, I am not into girly cocktails or fine wines. I am up to trying hard liquor or spirits and get wasted. Gusto kong mamanhid at walang maramadaman. Sana lang magising ako sa tamang oras bukas. Hindi pa naman ako mabibigyan ng sanction dahil bukas pa ang simula ng training ko. Tinahak ko ang counter bar. Nagpalinga-linga ako looking for a spot na kukunti lang ang tao. Voila! Spotted walang nakaupo at walang masyadong tao sa paligid. Kailangan ko ng konting katahimikan ngunit mali yata ang lugar na aking napasukan. “Halloo!” bati ng barista sa akin. Guwapo ito hindi naman siyang mukhang Grego. He has an Italian aura to me. “Hi!” “Drink?” “Ahmm, yes. The strongest you have. A drink that can knock me out and numb the pain,” I said, holding my tears na kanina pa gustong umagos. Ayokong makita akong luhuan ni Mister Grumpy. Who the hell he think is? A fallen Greek God? Dahil guwapo siya? Letse! Bakit ko pa ba pinupuri ang gagong ‘yon? Gagawa-gawa sila ng patakaran tapos ‘yong mismong manager ang hindi marunong sumunod. Baloney! Kalokohan lamang ang relationship is forbidden between employees. What about Trent and Jade? I could have call Jae to join me. Kaso naiwan ko ang cellphone ko. Paano ako magbabayad sa inorder ko? Wala pala akong dalang pera. Basta na lamang ako umalis ng Riviera Santorini. Naglakad ng naglakad hanggang napadpad ako rito sa Giovanni’s. I honestly don’t know how would I get back to the hotel. “Excuse me,” tawag ko sa barista. “Sì, bella?” “Sei Italiano?” “Sì.” “Bello, per favore, annulla il mio ordine. Ho dimenticato la mia borsa.” Mabuti na lamang at Italian ang kinuha kong second langauge kaya kahit papaano I can converse in Italian. Requirement ang maging bihasa ng ikalawang lenguahe sa Celestial Culinary Academy. Nakakahiya! Malaking katangahan ang mag-order at wala naman pala akong pangbayad. “No worries. It’s on the house.” “Bene, grazie. Ti devo un favore.” “Prego, bella.” “Thank you. I owe you one. I promise I pay my tab next time I come over.” “Don’t worry. It’s on me.” “Grazie. What’s your name?” “Gio. Giovanni Gambino.” “Nice to meet you, Gio,” I said, smiling at him. Guwapo naman siya. Mukha ngang bilyonaryo. Pero bakit wala ‘yong spark katulad kay Mister Grumpy. “Come ti chiami?” Wala akong balak magpakilala pero bastos naman kung hindi ko man lang sasabihin kung anong pangalan ko. Sabi nga ni Sir John Falstaff sa “The King” kung hindi mo kayang sabihin ang totoo at least make a magnificient lie. “Lu—Ella. Ella. Yeah, right. My name. . . mi chiama Gabriella.” Lucy sana ang sasabihin ko ngunit nasa banyagang lugar ako. Okay lang naman sigurong second name ang sabihin ko sakanya. “Piacere di conoscerti,Ella. You come over anytime. Your drinks will be on the house.” Pasakalye pa nito. Why can’t he say I like you? Pareho-pareho lang ang mga lalaki. Mukha at katawan ko lang naman ang gusto nila at hindi kung sino talaga ako. “No, I can’t. I can’t have a drink for free everytime. That’s not how the busines should go. I’ll promise to pay my tab or can I at least work for what I’ll be drinking tonight?” Ayoko sa lahat ang utang na loob. Dahil sa lahat ng utang iyon ang pinakamahirap bayaran at suklian. Babalik ako rito at babayaran ko ang iinuming kong alak. I don’t want to owe anyone. Gusto ko lang maging manhid kahit sandali lang. “Are you sure you want to work for a busy place like my bar?” Bakit ko nga ba tinanong iyon? Amoy pa lang dito nakakasuka na. Ngunit inisip ko ang tip ng mga parokyano rito tiyak makakapagipon ako. I want to travel around Europe. Pero ayoko namang humingi ng panglakwatsa sa daddy ko. Alam ko may kapalit iyon. Wala na rin akong balak umuwi ng Pilipinas after ng affiliation ko but I need to attend my graduation. “Oh, you’re the owner?” Sa kaniya pala ito. Hindi kalakihan ang Giovanni’s but the view of the bar is relaxing. Natural na ihip ng hangin ang malalanghap sa may counter bar na nakaharap sa dagat. “Yeah, mine and my friends. I am actually looking for one more worker.” “Count me in. But, I can’t do weekdays. I can work only on my days off.” “I’ll work with your schedule. I’d be happy to work with you,” he said, giving me a wink.”Deal?” “Deal. Give me my free drink now,” utos ko rito na para bang si Jae lang ang kausap ko. “Ooops! Not so fast, bella. Are you old enough to drink?” Gagong ‘to pasakalye pa gusto lang malaman kung ilang taon na ako. “I’m old enough to be your mum.” “You’re kidding.” “Yeah, I am.” “Here’s your request a drink that can knock you out and make you numb. Zombie on the house.” “Zombie? Do I become a zombie after this shot?” He chuckled,”depends.” Nilagok ko ang zombie na sinabi ni Gio. Matamis naman iyon. Para lamang tropical fruit flavor cocktail. “Por favore, un altro colpo,” I said, ordering another shot. Ang lakas ng loob ko uminom. I had another shot followed by another and another. I had total of ten shots after. Umiikot na ang paningin ko. Pakiramdam ko kaya iyon tinawag na zombie dahil after taking those shots. I felt like a zombie. Wala na akong maramdaman. Then I felt dizzy. Bago pa man ako magkalat nag-paalam na ako kay Gio. “Grazie,bello. I have to go. Thanks for my drinks.” “When can you start?” “Friday night. Can I bring my cousin with me?” “To work?” “Yes.” “Bring her over. We’ll see.” “She’s not a she. She’s a he.” “Bring him over. Another pair of hands can help Giovanni’s.” “Grazie mille,Gio!” Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko ng bigla akong nahilo. I almost hit my head sa counter bar. Ang tanga mo lang Lucy! Iinom-inom hindi naman pala kaya. “Where do you live? I’ll take you home.” “‘Wag mo akong ibahay hindi ako pangkabit lang.” “What?” “What’s your address,Ella. I’ll have my driver drop you off.” Akala ko naman siya mismo maghahatid sa akin. Perpektong scene sana iyon. Baba ako sa black Lambhorgini niya tapos makikita ni Trent. May nakita kasi akong magarang sasakyan sa labas. Assuming na kay Gio iyon. Akala mo Trent Valencia magkakandarapa ako sayo. Madali lang makahanap ng kapalit mo. ‘Yon nga lang hindi ko sila type. Buwesit naman kasing puso ‘to pinana nga ni kupido sa maling lalaki naman. I am Lucette and I know my charm can swoon any man in a second. Kaya wala pang isang araw makakahanap ako agad ng kapalit. I will be true sa sinabi ko. He will be just part of my collection. Bakit naging kayo ba Lucette? Oo nga pala hindi naman kami. Bakit ba ako nagpapakantanga? “Driver? Can’t you drive me home,Gio?” Ang kapal talaga ng mukha ko. He already offered me a lift. Here I am demanding. “I can’t drive. I mean I don’t drive.But fine, I’ll drop you off.” Mag-ooffer ng lift tapos hindi naman pala marunong mag-maneho. Guwapo pa naman siya mukha naman siyang race track driver. “Oh, okay. I’ll manage to go home alone. Thanks for the lift.” As soon as I said that tuluyan na akong nahilo buti na lamang at nasa harap ko na si Gio at nasalo ako nito bago ako humalik sa semento. “I’ll drive you home.Where to?” “Riviera Santorini.” Kita ko ang panginginig ng kamay niya sa manebela. Did I made him drive when he has trauma? Pero sa kalasingan ko hindi ko na nagawa g usisain pa siya. As what I expected. Kunot ang noo ni Mister Grumpy at nakapamewang ng makita akong bumaba sa black Lamborghini na pag-aari pala talaga ni Gio. “I’ll pick you up, Friday?” “Okay.” “Five?” “Seven.Grazie mille, Gio. Buona Notte!” “Sino iyong kasama mo, Miss Montero?” “Wala kang pakialam, Mr. Valencia. It’s not my official day of training yet so don’t give me that damn rules. Rules that you yourself don’t follow! Excuse me. Nakaharang ka sa dadaanan ko.” Ang tapang-tapang ko but I end up on his arms dahil nawalan na ako ng lakas sa dami ng ininom ko. I am so sure I passed out infront of him. “You could have listen to me but you chose to run away. It was a goodbye. Iyon ang nakita mo. Nagpaalam na ako sa kaniya dahil gusto kita. I want to be with you, Lotlot.” I heard it. Pero wala na akong pakialam sa nararamdaman niya. Bukas ibang Lucette na ang makikita niya. Iyong mataray na Lucette Gabriella Montero na kinaiinisan ng karamihan. I won’t give a damn about him. Hindi ko ugali ang maghabol. I don’t settle for old toys either. Kinabukasan maaga akong nagising. Uminom agad ako ng kape at naligo. Wala pang alas sais ay nasa kusina na ako. Miss Jade give me that scornful eyes. Iyong galit niya ramdam na ramdam ko. “Miss Jade, Sir Trent wanted his breakfast delivered to his office. Oh, he requested for Miss Montero to bring it over,” said Franco. Isa sa mga utility crew ng hotel. “Miss Montero, this is done. Bring this over to our boss.” Emphasize niya pa talaga ‘yong “boss.” Matapos na e-prepare ni Miss Jade ang agahan ni Mister Grumpy wala sa loob na kinuha ko ang tray at naglakad patungo sa opisina nito. “Here’s your breakfast Mr. Valencia.Ring the bell when your done so I can send somehow to pick up your dishes.” “Wala ba akong good morning kiss,Lot?” Tinalikuran ko ito at hindi ko pinansin ang sinabi niya. Gusto ko sanang sabihin good morning kissin mo mukha mo. But I chose to walk away. Magdusa siya! The best way to make him regret what he did is to ignore him like nothing happened. Iyong wala lang sa akin ang nangyari. I may still be shattered deep inside pero hindi ko iyon ipapakita sa kaniya. Move on ang peg ko. Agad-agad! “Miss Montero!” He called me before I walked out the door. “Yes, Mr. Valencia? May nakalimutan po ba sa order ninyo?” Tanong ko rito bilang isang empleyado. “Eat breakfast with me.” I will not deny. Oo, kinilig ako. Kinikilig ako! At ‘yong ngiti niya at mga tingin niyang nakakatunaw. Pero lestugas! Too late hindi na ako padadala sa mga Adonis moves niya. “Your invitation is quite tempting, sir. But I think you are misleading the company rule Mr. Valencia. Asking me to have breakfast with you is considered dating. Isn’t employees are not allowed to date fellow employees? As you have said yesterday, ‘employees are forbidden to have love affairs within the company.’So, asking me to eat breakfast with you is breaking that rule. So, no, thank you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD