JERRY Kanina pa naghahanap ang mga tao dito sa farm at kahit ako ay hindi pa rin tumitigil. Latag na ang dilim at kay hirap maghanap. Daig pa namin ang nagtitingin kung nasaan ang aspili sa dayami. Mababa lang ang damo at nangalat na ang mga tao pero wala pa rin senyales ni Anne. Hindi n'ya ito ugali kaya alam kong may nangyaring masama sa kanya. "Sir Jerry, alas mag-aalas otso na po at hindi pa kami kumakain. Pauuwiin ko po muna ang iba para makapagluto. Magpapalagay po ako ng mesa dito sa likod at magpapailaw para magliwanag ang paligid. Patuloy pa rin po sa paghahanap ang natitira," sabi sa akin ni Manong. "Pasens'ya na po, Manong. Nakalimutan ko na ang oras." "Huwag kang humingi ng pasens'ya. Hahanapin natin ang asawa mo. Ipagtulong na rin natin ang mga bata. Natabasan na naman an

