JERRY Kahit mahirap magdrive papuntang hospital sa lakas ng ulan ay determinado akong dalhin doon si Anne. I don't how badly she's hurt and the sad part is, it happened under our turf. Nakakahiya sa mga b'yenan ko na nasa sarili kong pamamahay ang asawa ko ay hindi ko man lang s'ya naprotektahan. May kutob na ako kung sino ang may gawa nito sa kanya pero mahirap na basta na lang akong magbintang. Ang taong 'yon ay alam ang pasikot sikot sa bahay at sa buong farm. At kung totoo ang sinasabi ni Manang sa akin na may nakita si Anne na pigurang nakatalukbong ng telang itim palayo sa bahay, ang taong 'yon at ang nanakit sa asawa ko kanina ay iisa. We finally arrived at the hospital at kaagad kaming inasikaso ng medical team. Anne was put on a stretcher then went in to the emergency departm

