JERRY My wife was discharged the next day. May streri-strips lang s'ya sa likod ng ulo. Hindi naman ganoon kalaki ang sugat pero pumutok 'yon sa lakas ng pagkakahampas. Ang ipinagtataka ko lang ay wala akong nakitang matigas na bagay sa paligid na pwedeng ipukpok sa kanya. Nang makarating kami sa farm ay kaagad na sumalubong ang ilang kasalukuyan na nagtatrabaho at nangumusta sa pakiramdam ni Anne. Bumati lang kami sa kanila at nagtuloy na sa loob ng bahay. "Do you want to go up and rest?" tanong ko sa kanya. "Pwede bang dito muna ako sa salas? Magdamag na kasi akong nakahiga." Naupo s'ya at inabot ang remote ng tv. She looked tired at halos madaling araw na kami ng makaidlip. Pabiling-biling s'ya sa hospital bed hanggang sa tinabihan ko na s'ya kagabi. Makitid ang kama at hindi ko

