“Nakakainis ka!” sabi ni Ara na pinaghahampas pa si Angelo sa balikat. Nasa sasakyan na sila ng mga oras na iyon para umuwi na sa bahay ng nobyo. “Sorry, love… Gusto lang talaga kita i-surprise, yung tipo na hindi ka magkaka-idea na mangyayari ito kasi sa iba naka-focus ang isip mo?” ani Angelo na patawa-tawa pang nagpapaliwanag. “At tinaon mo pa talaga nasa trabaho ako.” “Don’t worry, alam ng boss mo ang tungkol dito.” “Talaga? Wow! Ang gagaling nilang umakting lahat lalo na ang kuya’t pamangkin mo.” Wala talagang kaalam-alam si Ara na pinagkaisahan siya ng araw na iyon. Pero worth it naman iyong kabang naramdaman niya dahil hindi maipaliwanag na saya naman ang naging kapalit niyon. “Oo, alam nila.” “Grabi! Kung alam mo lang yung kaba ko kanina noong tinawagan ako ng kuya mo, ay n