“Ako na po ang magdadala niyang, Ma’am.” Nagulat pa si Ara nang bigla na lang may kumuha ng dala-dala niya. Isang lalaki na edad kuwarenta at alam niyang isa itong staff ng ospital base na rin sa suot nitong uniporme. “Ako na po. Kaya ko naman po,” aniya. “Ako na po para hindi na kayo mahirapan. Sasabay po ba kayo sa ambulansya na maghahatid kay Mr. Sarmiento?” tanong nito sa kanya. “Hindi po. May sasakyan kasi ako,” ani Ara. “So, sa parking area ko na po kayo ihahatid?” muli nitong tanong. “Opo. Pero kaya ko naman na lahat iyan dalhin.” “Naku! Mabigat po ito. Saka bilin din ni doc na tulungan kita.” Napatingin si Ara rito. “Doc?” “Opo. Kabilin-bilinan ni doctor Ruther na tulungan kita sa mga dala mo po,” sagot naman ng lalaki. At si Cure pala ang may pakana nito. “Nasaan pala si