Kabanata 19

1071 Words

Pagtungtong ng alas siyete y medya, dumating na ang rasyon ng pagkain. Gaya noong una, may pagkain na naman na para kay Ara. Parang nasanay na siya na may ganoong set up kaya wala na siyang maraming tanong o usisa pa sa food server. Basta tuwing dating nito ay tinatanggap na lang niya kung ano ang inaabot nito. Pagkatapos niyon ay pinakain na niya si Miggy. “Bakit nga pala palagi ka na lang nagpapabili ng pagkain? Hindi mo ba gusto iyong mga pagkain na binibigay ng ospital?” tanong ni Miggy sa kanya habang sinusubuan niya ito ng pagkain. Hindi pa rin kasi nito magawang maigalaw ang isang braso at ang isa naman ay may nakakabit na swero kaya hindi pa nito magawang makakain mag-isa. “Hindi,” tipid na sagot ni Ara. Hindi naman siya maarte sa pagkain at kung wala iyong mga binibigay ni Cure

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD