Matuling lumipas ang isang linggo at halos hindi na iyon namalayan ni Ara. Masyado yata siyang nag-enjoy sa mga nangyari sa kanya sa loob ng ospital kaya tila hindi na niya namalayan ang araw. At araw na rin ng operasyon ni Miggy at medyo natuwa siya dahil makakauwi na rin siya kapag gano’n. Sobrang nami-miss na talaga niya ang anak. Gusto na niya itong mayakap at maka-bonding muli. “Good morning, Sir. Ready na po ba kayo?” tanong ng isang nurse kay Miggy. Alas siyete na iyon ng umaga at ang oras ng operasyon ni Miggy ay alas nuwebe. Tumango naman si Miggy. “Kuhanan ko lang ulit kayo ng vital signs po, ah? Kasing dadalhin na po kayo sa operating room,” anito. Bago kasi ang takdang oras ng operasyon ay dapat nadala na si Miggy sa operating room kasi may mga proseso pang gagawin rito bago