At around 6 to 7 in the evening, dumating ang rasyon na pagkain. Free meal iyon para sa mga pasyente at nagbabantay. May rice, chicken soup, nilagang pork at saging na panghimagas ang dinner nila pero parang hindi kayang kainin iyon ni Ara dahil sa amoy ng ospital. Parang nawalan na siya ng gana dahil sa kakaibang amoy. Panigurado ay mababawasan ang timbang niya kung sa loob ng isang linggo ay hindi siya makakakain ng maayos. Hays! Kailangan ko na lang tiisin ito. Napatingin siya kay Miggy pagkaalis ng nagbibigay ng pagkain. Paano naman kaya kakain ang kumag na ito? Ibig sabihin ay ako pa ang magpapakain sa kanya? Shuta naman! Iyong babae niya dapat ang gumagawa niyon! “I know what are you thinking. Hindi ko kayang makakain mag-isa kaya kung puwede subuan mo na lang ako? Kailangan kasing