“Tingala po kayo, Ma’am,” sabi hospital staff kay Ara. Alas nuwebe na iyon at naroon siya sa isang area ng ospital upang i-swab test. Sinunod naman ito ni Ara. “Ipapasok ko na po, ah? Huwag po kayong malikot para hindi masakit at mapabilis tayo,” anito pa. Nang tumingala na siya, saka naman nito ipinasok ang isang bagay sa kanyang ilong. At gaya ng sabi nito ay hindi talaga siya gumalaw hanggang sa matapos iyon. “Tapos na po. Dalhin niyo na po ang mga dala ninyo at proceed na po kayo sa tent na iyan. Diyan po muna kayo maghihintay,” sabi sa kanya ng babae. Sinunod naman ito ni Ara. Dala-dala niya iyong mga pinamili niya at mga gamit rin na gagamitin. Mabuti na lang at mabait iyong isa pang nurse, tinulungan siya sa mga dala niya. At yung tent pala na sinasabi nito ay doon talaga dinadala