Kabanata 9

1118 Words
“Nakakainis! Bakit nabasag itong phone niya?” inis na sabi ni Ara nang makita niyang basag ang screen ng cell phone ni Miggy at hindi na mabuksan. Marahil ay nabasag ito ng madisgrasya ito sa motor. “Paano ko na tatawagan iyong babae? Hindi ko naman kilala iyon,” aniyang muling ibinalik ang cell phone sa bag at napasabunot sa sariling buhok. Mapipilitan siyang siya na ang mababantay sa kumag na iyon. “Lord, bakit naman gano’n? Ano na naman po ba ito?” muli niyang bulong. At dahil wala na siyang choice, siya na ang mapipilitang magbantay kay Miggy sa loob ng ospital. Hindi naman niya puwede pabayaan at iwan na lang basta’t baka may mangyari rito at sa kanya pa isisi. Tatawagan na lang niya ang kapatid at si Thess mamaya kapag gising na ang mga ito. Anong oras na rin kasi at alam niyang mahimbing na ang tulog ng kapatid at ang kaibigan niya. Sa ngayon, siya na muna ang mag-aasikaso’t total siya naman ang naroon. Siguro naman kapag nakausap na niya si Miggy ay matatawagan nito ang bagong girlfriend nito’t ito na ang magbabantay. Muli niyang tiningnan iyong papel na ibinigay sa kanya ng doctor. Nang mabasa niya ang mga nakasulat, isa-isa niya inayos iyong mga kailangan. Namili na rin siya ng mga iilang importanteng gagamitin at pagkain na hindi agad-agad masisira sa 24 hours convinience store. Kailangan niya iyon para may makain kapag nagutom. Although may free meal naman sa ospital pero iba pa rin iyon may nakahanda siyang pagkain. Pagkatapos makapamili ay bumalik siya sa sasakyan at inayos ang mga pinamili sa iisang lagayan. Mabuti na lang at ugali niyang maglagay ng mga eco ba sa sasakyan kaya may paglalagyan siya ng mga pinamili. Ugali rin niyang maglagay ng mga extra-ng damit na pamalit at underwear sa compartment ng kanyang sasakyan kaya hindi niya poproblemahin ang pamalit mamaya kapag nasa loob na siya ng ospital. Makalipas ang isang oras, gaya ng sabi ng doctor ay tinawagan na naman siya asking kung sino ang magbabantay. Nang sabihin niyang siya ay sinabi agad sa kanya na schedule niyang i-swab test ng alas nuwebe ng umaga. Napatingin siya sa kanyang relo at alas dos pa lang ng madaling araw kaya pitong oras pa siyang maghihintay. My God! Ang tagal pa ng paghihintay ko! Hays, pinagpalit na niya kami sa iba pero ito ako ngayon at nag-aasikaso sa kanya. Buhay nga naman! Talagang sinusubok yata ako ni Lord kung hanggang saan ang pasensya’t pagiging mabuting tao ko. Pagkababa ng tawag, naisipan niyang umidlip na lang muna. Inaantok na kasi siya dahil wala pa siyang tulog. Kailangan niyang magpahinga dahil sigurado hindi siya makakapagpahinga sa loob ng ospital maya. Nag-alarm na lang siya ng 7:30 am para sigurado na magigising siya. Kailangan kasi niyang bumili ng pillow mamaya dahil iyon ang sabi sa kanya ng tumawag sa kanya kanina. ******* “Dr. Martinez,” tawag ng isang kasamahang doctor kay Angelo nang makita siyang palabas ng isang ward. May tiningnan kasi siyang isang pasyente na naka-schedule niyang operahan. “Doc, Yappy, kumusta?” tanong niya. “I’m good. Medyo pagod lang dahil lalong dumami ang cases ng may covid this week. Hindi ka pa pala umuwi?” sagot at tanong nito sa kanya. “Pauwi na sana kaso may dumating kanina na pasyente na sangkot sa motorcycle accident kaya hindi ako kaagad nakauwi,” tugon naman niya. “Oh, I see.” Tanging nasabi nito. Gano’n naman silang mga doctor, hindi basta-basta nakakauwi hangga’t may pasyente na kailangan ng agarang atensyon. “O sige, doc, I have to go. I really need to go home and get some rest,” he said. Tumango lang ito sa kanya. Pagkatapos ay bumalik na muna siya sa opisina niya’t kinuha ang mga gamit saka umuwi muna sa bahay niya. Malapit lang naman ang bahay niya. It was 15 minutes drive from the hospital. At gano’n lang din ang daily routine niya simula noong nagka pandemya. Mula sa ospital ay diretso na agad siya sa bahay niya. Bawal siyang pumunta sa kung saan-saan dahil nagtratrabaho siya sa ospital at for safety na rin niya at ng mga nakararami. He is Dr. Angelo Ruther Martinez. He is an Orthopedic Surgeon at Bataan General Hospital and Medical Center. 30 years old and originally from Baguio City. Tatlong taon na siyang doctor sa ospital at masaya naman siya roon kahit pa ang dami nagsasabi sa kanya na bakit hindi pa siya nagkaka-girlfriend e hindi na siya bumabata at tinatawanan na lang niya ang mga ito. Para sa kanya ay hindi pa naman siya gano’n katanda para magmadaling pumasok ulit sa isang relasyon. Gusto niya, sakali man na makilala niyang muli ang babae na muling magpapatibok ng puso niya ay iyon na ang huli. Ayaw naman kasi niya sa pandaliang relasyon lang. In short, gusto niya iyong pang matagalan. Iyong tipo na magiging kasama niya hanggang sa huling hininga niya. Kaya simula noong naghiwalay sila ng last girlfriend niya two years ago ay hindi muna siya ulit pumasok sa isang relasyon hindi dahil sa hindi siya naka-move on kun’di gusto lang muna niyang i-enjoy ang buhay kahit pa wala siyang jowa. Hindi lang naman kasi ang pagkakaroon ng jowa ang magpapasaya sa buhay ng isang tao. Maraming bagay o tao ang puwede makapagpapasaya sa atin. Pagdating sa bahay, kaagad siyang naglinis ng sarili para makapagpahinga na. Sobrang pagod din kasi siya dahil sa dami ng pasyente kanina. At habang naliligo ay biglang sumagi sa kanya ang babae na nakausap niya kanina. He feels something strange when he saw her eyes. Hindi kasi maitatago sa mga mata ng babae ang lungkot nito. He felt that the girl was so sad. “Or maybe she is sad dahil na-ospital ang kamag-anak, boyfriend o asawa niya.” Boyfriend? Asawa? Parang nakaramdam siya ng lungkot sa isiping iyon. Hindi niya alam kung bakit. Hindi naman niya kilala ang babae at ni hindi nga niya nakita ang buong mukha nito dahil nakasuot ito ng mask ay naka-eye glasses pa ng makausap niya. f**k! Bakit ko naman siya iniisip? Why I’m so affected? Who is she? Bakit sa dinami-dami ng nakausap ko kanina, bakit siya iyong hindi mawala sa isip ko? Napailing na lang si Angelo dahil doon. Hindi niya alam kung ano ang meron sa babae na iyon at talagang sumagi pa sa isipan niya. Hindi kaya… oh, f**k! Stop it! Kaagad niyang winaglit sa isipan niya ang babae. Pagkatapos ay pinatay na niya ang shower saka kumuha ng tuwalya upang tuyuin ang sarili’t lumabas ng banyo saka nagbihis. Matapos magbihis ay nahiga na siya agad sa kama upang matulog. At dahil sa pagod ay natulog rin siya agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD