Kabanata 8

1203 Words
Habang nasa sasakyan at nagmamaneho, tinawagan ni Ara iyong pinsan ni Miggy upang ipaalam ang nangyari rito para ito na ang mag-aasikaso pero umuwi raw pala ito ng probinsya at matatagalan pa makakabalik ng Bataan. Ano ba naman iyan! Sino na ang mag-aasikaso sa kanya? Naisipan niyang tawagan rin ang dalawang tiyahin nito pero hindi rin maasikaso si Miggy dahil hindi rin makakapunta ang mga ito sa Bataan. Isa pa, may mga edad na ang mga tiyahin ni Miggy kaya hindi na basta-basta makakabiyahe pa ng malayo lalo na’t may covid pa kaya siya na lang ang pinakiusapan ng mga ito na mag-asikaso. Mga matatandang dalaga rin ang mga ito kaya wala talaga silang magagawa. At kahit alam na ng mga ito ang nangyari sa kanila, at kahit gusto man nilang pumunta para maasikaso ang pamangkin, hindi sila agad-agad makakapunta. Sabihin na lang daw niya ang mga kailangan gaya ng pera para magawan nila ng paraan. “Hays! No choice talaga ako this time,” napapailing na bulong ni Ara. Mayamaya ay napatingin siya sa bag ni Miggy na ibinigay sa kanya ng nurse kanina. Naroon ang wallet at ang cell phone nito at naisipan niyang tawagan ang babae nito pero nagdalawang isip siya. Kainis! Bakit kasi sa dinami-dami ng kakilala nito bakit ako pa ang natawagan! Paano kung walang puwede mag-asikaso sa kanya? Bahala na nga! Wala namang pasok bukas kaya puwedeng ako muna ang mag-aasikaso. Napabuntong hininga na lang si Ara sa naisip. Ulila na sa ina si Miggy at never pa nitong nakikita ang ama, wala rin itong kapatid kaya wala talagang puwede mag-asikaso rito. At dahil isa pa rin siyang tao na may mabuting puso kaya tutulong na lang muna siya sa abot ng kaniyang makakaya. Isasantabi na lang muna niya iyong galit niya kay Miggy. Dalangin pa rin niya na sana hindi malala ang pinsala nito. Gagawin niya ito para sa anak niya. Ayaw naman niya dumating sa punto na magagalit sa kanya ang anak kapag may nangyari sa ama nito dahil pinabayaan niya. “Anak, gagawin ko ito para sa iyo,” muli niyang bulong. Bandang alas onse ay nakarating na sila sa ospital. Kaagad ipinasok si Miggy sa emergency matapos makuha ang lahat ng information tungkol rito at sa nangyari. At dahil sa protocol ng ospital na bawal pumasok sa loob ang mga hindi dumaan sa swab test dahil sa covic, hanggang sa waiting area lang si Ara. Kinuha na lang ang cell phone number niya para tatawagan na lang siya kapag may mga kailangan para sa pasyente at kung ooperahan ba agad ito kaya antabayanan na lang niya. At habang naghihintay, bumalik na lang muna siya sa sasakyan niya na nakaparada sa parking area ng ospital at kumuha ng pera para maghanap ng mabibilhan ng kape. Tumingin-tingin siya sa paligid at wala naman siyang nakitang coffee vendo machine. Mayamaya ay may namataan siyang kapiterya. May iilang customer siyang nakita na nakabili ng kape kaya gumaya na rin siya. “Manang, magkano po sa kape yung natimpla na ho?” tanong niya sa tindera. “Dose ho,” tugon naman nito. “Isa po, Manang.” “Mamili ka na lang diyan ma’am kung ano gusto mo’t titimplahin ko,” wika nito sabay turo sa mga kape na naka-sachet. Gano’n pala doon, parang bibili ka lang ng kape na naka-sachet tapos sa kanila na ang mainit na tubig at disposable cup sa halagang dose pesos. Pumili naman si Ara ng isang sachet ng 3 in 1 coffee sabay inabot sa tindera. Kinuha naman nito saka tinimpla sa disposable cup at nilagyan ng disposble na spoon at binigay sa kanya. Pagkatapos mabayaran ay umupo siya sa bakanteng upuan sa nasa kapiterya. Doon muna siya tatambay habang naghihintay ng tawag mula sa doctor at habang nagkakape. Malapit lang naman iyon sa ospital kaya kapag tinawagan siya ay makakapunta agad siya. Makalipas ang halos tatlong oras, doon lang lang tinawagan si Ara. Pinapunta siya receiving at waiting area ng ospital dahil kakausapin raw siya ng doctor. Kaagad naman pumunta si Ara. “Kayo ho ba iyong kamag-anak ni Mr. Sarmiento?” tanong sa kanya. “Opo,” iyon na lang ang sinagot niya. “I’m Dr. Matinez, orthopedic surgeon na mag-oopera sa kanya. Okay na rin naman si Mr. Sarmiento, but I just want to inform you na naka-schedule siya for operation by next week dahil may bone fracture siya sa knee cup niya. Kailangan ho iyon i-stainless. At kaya kita kinausap dahil kailangan ng isang kamag-anak para may mag-assist sa pasyente since hindi ho siya makakatayo at makalakad,” paliwanag sa kanya ng doctor. “Gano’n ho ba?” Napaisip bigla si Ara. Ano ang gagawin niya? “Yes. At kung sino man ang magbabantay sa kanya sa loob ay kailangan sumailalim sa swab test to make sure that the person is not infected by covid-19. That is a hospital protocol for the safety of all hospital employees and patients. At hindi rin po basta-basta makalalabas-masok ang bantay sa ospital hanggang sa puwede na makalabas ang pasyente. Kaya ngayon pa lang, pag-isipan niyo na ng mabuti,” sabi pa nito na lalong nagpagulo sa isipan ni Ara. Hindi siya makapag-decide sa kadahilanang may trabaho siya at bakit nga ba siya ang magbabantay? “Doc, ano pong ibig sabihin ninyo na hindi basta-basta makalabas-masok ng ospital ang bantay?” tanong ni Ara para mas maliwanagan siya. “Para iyon sa kaligtasan ng lahat. Lahat ng papasok sa loob ng ospital ay dapat sumailalim sa swab test to help prevent further person-to-person transmission of COVID-19,” sagot nitong nakatitig sa mga mata niya. At kahit pa nakasuot ng mask si Ara ay nakaramdam siya ng pagkailang dahil kanina pa ito titig na titig sa kanya. Although nakasuot rin ito ng mask ay kitang-kita na nakatitig ito. Umiwas siya ng tingin at napatango-tango na lang. Hindi niya alam ano isasagot niya. “Pag-usapan niyo muna ng mga kamag-anak niyo kung sino ang magbabantay sa pasyente. Ito ang mga mga kailangan ng pasyente, paki prepare and we will call you again after 1 hour to make you decide,” anito sabay abot sa kanyang ng isang papel na may mga nakasulat. Pagkatapos niyon ay umalis na ang doctor. At naiwan naman na hindi pa rin makapag-desisyon si Ara. Next week pa ang schedule ng operation ni Miggy. Kung siya ang magbabantay ay tiyak na matatagalan rin siya sa ospital, panigurado iyon dahil hindi naman agad-agad makalalabas si Miggy pagkatapos nitong maoperahan. At kung sakali naman na siya ang magbabantay kay Miggy, hindi naman kukuwestyunin sa kumpanya na pinagtatrabahuan niya dahil hindi naman alam ng mga ito sa hiwalay na sila ni Miggy. Tanging si Thess lang ang nakakaalam wala ng iba. “Saan na ba iyong babae niya? Bakit hindi siya ang magbantay?” inis na bulong ni Ara. “Tatawagan ko nga!” aniya saka dali-daling tinungo ang sasakyan upang kunin ang cell phone ni Miggy para tawagan ang bagong girlfriend nito. Sigurado naman naroon ang number ng babae o ‘di kaya’y may social media account ito na puwede niyang ma-contact. Bakit nga naman siya ang magpapakahirap na magbantay kay Miggy e pinagpalit na nga sila sa babae na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD