“Masaya akong marinig iyan, Ly. Tama iyan, mas maluwag sa pakiramdam kapag tinanggal natin ang galit sa ating mga puso. So, handa ka na bang makita si mama?” ani ni Ara sa kapatid. “Handa na, Ate. Gusto ko na nga siyang makita ulit, yung malapitan? Saka miss ko na rin siya kaya gusto ko siyang mayakap ng mahigpit,” ani Lyka. Napalitan rin ng saya at pananabik ang mga matang nitong kanina lang ay may bakas ng lungkot. “So, ano pa ang hinihintay natin, tara na sa baba?” aya sa kanya ni Ara. Tumango naman ito. “Wait! Paano si Luke? Walang magbabantay sa kanya rito…” Tatayo na sana ito pero muli naupo sa kama ng maalala na wala kasama ang pamangkin kapag lumabas silang dalawa. “Makisuyo na lang tayo kay nana Duday na siya muna magbantay. Halika na?” Nagpatiuna na si Ara lumabas ng kuwarto