Kaagad ngang dumiretso sina Ara at Angelo sa kuwarto kasama si Luke. Kaagad niyang binihisan ang anak para makatulog na ito at makapagpahinga. Pagkatapos ay tinumplahan niya ito ng gatas sa bote at pinahaga sa kama. At halos ilang minuto lang ay nakatulog na ito. Mayamaya ay may kumatok. “Ate, si Ly ito,” wika ni Ly. Binuksan naman agad iyon ni Ara. “Kumusta si Luke?” nag-aalala nitong tanong. “Okay na siya. Ayun kumalma na rin at nakatulog,” sagot niya. “Mabuti naman. Kumain na ba kayo?” “Hindi pa e. Sakto ang akyat mo, ikaw muna ang magbantay sa kanya’t kakain muna kami.” Parang ng mga oras lang kasi iyon nakaramdam ng gutom si Ara. “Sige…” Pagkatapos niyon ay bumaba na sina Angelo at Ara. Nadatnan nila ang ina ni Angelo na naghahanda ng pagkain para ipaakyat sa kanila. “Oh,