Pagkatapos nagkausap si Ara at ang ina niya at bago kausapin si Lyka, kumain na muna sila ni Angelo. Hindi na kasi niya matiis ang gutom ng mga oras na iyon. “Oh, Rosa, hindi na ma’am ang itawag mo sa akin, ah…” ani Loreta. Nasa hapagkainan rin ito kasama ang asawa’t nagkakape. Si Rosa ay naroon din. “Ho? Ano naman ho ang itatawag ko sa inyo, ma’am?” tanong naman ni Rosa. “Ano pa nga ba, edi balae,” diretsong sagot naman ni Loreta. Medyo ikinagulat naman iyon ni Rosa. Hindi niya alam kung paano sila naging balae. At isa pa, hindi pa niya naitatanong kung paano napunta si Ara sa pamilyang Martinez. “Ano ho ang ibig ninyo sabihin?” puno ng pagtatakang tanong niya. “Ang anak mong si Ara at si Angelo ay magnobya’t magnobyo kaya simula ngayon, balae na ang itawag mo sa amin. Hindi ka na