"Eiiiiiihhh!!!" Isang malakas na tili ng babae ang nagpatagil sa tatlong binata na sina Je Em, Prince at Harvey sa pag-iinsayo ng sayaw. Mahina iyon pero sakto kasi na pinatay muna nila ang tugtog kaya umabot sa kanilang pandinig. "Did you hear that?" paninigurong tanong ni Prince sa dalawang kaibigan. Kunot ang noo niyang pinatalas pa ang pandinig at luminga-linga sa paligid. Kumabog agad nang matindi ang kanyang dibdib sa kaba. "Yes! Tili ng babae, Bro!" Je Em answered with a frightened tone. Namumutla ang mukha at malikot din ang tingin sa paligid. "Yeah, parang tili nga," hindi sigurado sa narinig na ayuda naman ni Harvey. Ito man ay luminga-linga rin. Because of the confirmation of the two, Prince's brows drew together. 'Di kaginsa-ginsa ay pumasok sa isipan niya ang dalawang dala