Wondering, Hazen nibbled her lower lip. Her brow also furrowed intently. Hindi niya maiwaksi ang nakita niyang lalaki na tumakbo pataas ng hagdanan. Who the hell was he?! Alas syete na ng gabi, may iba pang estudyante rito? Wala namang panggabi na klase sa Sanchi Senior High, ah? Sabagay baka tulad nila ay may mga nagpra-practice rin. Puwedeng sa ibang bagay naman, at baka sa ibang school building din. Ang tanong lang ulit sa isip ni Hazen ay bakit ito umakto ng strange? Na para bang mayroon itong kinatatakutan o tinatakbuhan. Medyo ang weird niyon. Saglit lamang ay namalayan na lang ni Hazen na maingat ang hakbang niyang tinatahak na ang tinungo ng lalaki. Nawala na sa isip niya si Mieko na nagpapaantay. She hurried up the stairs to where the man had climbed. Gasping for breath,