"Yes, Ma. Uuwi rin po kami agad after naming mag-practice." Nagpaalam si Hazen sa mama niya na late na siya makakauwi dahil sa practice na gagawin nila ng kanyang kagrupo. Gagabihin na naman sila dahil kailangan na nilang mabuo ang sayaw. Ayaw nilang mapahiya kay Sir Lazaga nila na nagtiwala sa kanila nang buo. Dapat maayos pa rin ang ipe-present nilang sayaw sa isang araw lalo't kasama raw si Sir Alvaro—ang dance instructor na kilala sa pagiging istrikto. Baka mapalitan sila nang wala sa oras na mag-represent ng school nila kapag hindi nila ayusin. As she glanced back at her friends, Prince intentionally locked eyes with her. Nakasandal ang binata sa pader at nakahalukipkip. He's staring directly into her eyes, as if he has something he wants to say to her. Kanina sa cafeteria nang sabi