"Mukhang may balak kang lunurin nang alak ang sarili mo bro." Hindi ko pinansin ang panunudyo ni Nico. Tumungga muli ako sa hawak kong kopita at humiling muli sa unipormadong waiter na parang asong nakatanghod sa mesa namin. Napapikit ako nang maramdaman ang init at pait ng alak sa aking lalamunan. Bahagya ko ring hinilot ang aking sentido nang makaramdam ng bahagyang hilo. I don't want to get drunk pero parang gusto ko yatang lasingin ang sarili ko. I'm still hurting and that memory keeps on flashing in my memory. Isang linggo na ang nakalipas pero ayaw pa ring mawala sa isipan ko. Alam ko naman na hindi niya gusto iyon pero iba ang nakita ko. At nakatatak na sa isipan ko na hinayaan niyang mangyari iyon. I didn't asked her. Hinayaan ko lang mag-conclude ang utak ko. Hinayaan ko l