"f**k!" naiirita na bulalas ko nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin. Makakapasok ba ako nito bukas na ganito ang itsura ko? Fuck that Hanziel Ford Kim for doing this to me! Sabi ko hindi ako magpapabugbog sa kanya! Ang malas lang dahil hindi siya patas lumaban. Duwag pala ang gago! Sana tinuluyan ko na nang hindi pa kami napapansin ng mga bodyguard niya, kapalit man nito ay paghimas ko ng rehas. Sinipat ko ang mukha ko, napangiwi ako nang makitang kulay ube ang kanang mukha ko. Sobrang maga ito tapos basag din ang labi ko. May malaki pa akong black eye sa kanang mata na halos hindi ko maimulat dahil masakit. Tapos masakit ang tiyan ko dahil ilang ulit din niya akong sinikmuraan. Damn that asshole! Dapat gago ang ipinangalan ng magulang niya sa kanya! His name doesn't fit to hi