"Ubusin mo lahat 'yan babe. I want you to gain more weight, mukhang nangangayayat ka yata. You must eat healthy foods, our baby needs it," Ziel said. He put some vegetables in my plate na ikinangiwi ko. Itinago ko lang iyong reaksiyon kong iyon dahil baka isipin niya na ayaw ko sa pagkaing ipina-deliver niya. Mas gusto kong ulamin iyong chicken at pork adobo na nasa plato niya na kanina ko pa pinaglalawayan. Kaya lang, hindi pwede dahil alam kong ikakasama iyon ng aking kalusugan. Tama na 'yong mga time na tumikim ako, pinipigilan ko na lang talaga ang urge na kumain ng mga ito. Medyo pumayat nga ako ng bahagya, dala marahil ito ng pagduduwal ko sa umaga at pagiging pili sa pagkain. May mga pagkaing hinahanap ang panlasa ko subalit kapag nasa harapan ko na ay 'di ko na nais na ito'y k