Biglang napaatras si Yasudhara nang makitang hinalikan ng isang babae si Jordan. Narito siya sa isang restaurant at magte-take out sana siya ng food ng asawa niyang si Wilson. And she knew the girl. Ito 'yung bumaba sa kotse noon ni Jordan na nakita nila noon ni Wilson. Anger immediately boiled inside her. Akala ba niya ay sobrang mahal na mahal ni Jordan si Jennie? Eh, bakit ngayon may kahalikan itong ibang babae? s**t! This is not good! Hinintay niya muna na makaalis si Jordan sa restaurant na iyon bago niya pinuntahan ang babae. Nagulat pa siya nang makasabayan niya si Joyjoy sa paglapit. "Joyjoy, what is the meaning of this?!" halos magsalubong ang dalawang kilay niya na tanong. Ang sama ng tingin niya kay Joyjoy. "Y-yasudhara?!" Gulat na gulat din si Joyjoy nang makilala siya. "