Parang kay tagal na hindi nagkita ang apat. Sina Jennie, Jordan, Wilson at si Yasudhara. Kamayan ang dating mag-amo na lalaki, at beso-beso naman sina at Yasudhara na parang walang nangyaring gulo noon. Makikitang wala na para sa lahat ang sigalot na 'yon noon. Binaon na nilang lahat sa limot. Nandito sila ngayong apat sa sikat na restaurant na. Nagyaya si Jordan upang doon sila kumain at makapagkwentuhan kasama na rin ang kumustahan. Kwentuhan sila sa pagiging abala nila sa mga nalalapit nila na mga kasal. Una lang kasi ng ilang buwan sina Jennie at Jordan na ikasal keysa kina Wilson at Yasudhara, dahil hihintayin pa daw nilang mang-anak si Yasudhara. Lumubo na ang tiyan nito at 'di na maikakaila ang pagbubuntis nito. Sa sandaling iyon, walang naging ibang topic ang apat kundi ang tun

