"Yasudhara, ano nga 'yon?!" mas naging madiin pa ang tinig ni Jennie. Tila kay bigat ng kanyang mga kamay na pinatong niya sa lamesa. Napatingin si Yasudhara kay Jordan. "Yasudhara, ako ang tingnan mo!" galit na ang boses niyang sabi pa. Nagpupuyos na siya sa matinding galit. Pulang-pula na ang mukha niya. Sa tabi niya ay napapahilamos na lang si Jordan sa mukha nito habang kagat ang pang-ibabang labi. At sa tabi ni Yasudhara ay naiiling naman si Wilson. "J-jennie, sis, s-si Jordan na lang ang tanungin mo," nahintakutang wika ni Yasudhara. O sa tamang word ay nababahala. Garalgal ang boses nito. "No! Ikaw ang magsabi sa'kin! Ano 'yon? Ano 'yong tungkol kay Ajie?! Ano 'yong stag party?! Anong nagyari?!" sunod-sunod na mga katanungan niya pa habang sunod-sunod din ang pagtakas na ng mga

