"R-rose?..." tawag ni Jennie sa pangalan ng kaibigang tanging nagbabantay lamang sa kanya ngayon sa kwarto ng ospital. Umalis si Joyjoy para bumili ng pagkain, habang si Jordan at ang daddy nito ay nag-uusap daw sa labas ng silid. Parang nakakita ng multo si Rose sa pagkagulat. "N-na-nakikilala mo ako, sis?" Malungkot na ngumito at tumango siya. "K-kung gano'n hindi ka totoong--" Blangko ang ekspresyon sa mukha niya na tumango ulit habang nakatitig siya sa kaibigan. Makikitang agad nagbadya ang mga luha sa gilid ng mga mata niya. "Pero bakit? Bakit ka nagpapanggap na may amnesia, sis? Nag-aalala lahat sila sa'yo, pati na ako..." Nagbaling ng tingin siya. Natitig siya sa kisame. Hindi naman talaga siya nawalan ng ala-ala kahit noong unang araw sa piling ng lalaking nakabangga sa kanya

