"Arthur, ano ba?" asar na sabi ni Wilma. Inagaw kasi nito sa kamay niya ang mga gamit ni Nicole. "Bakit ba naiinis ka? Ikaw na nga ang tinutulungan d'yan. Ako na ang maghahatid kay Nicole hanggang sa loob ng classroom niya. Doon ka na sa waiting area at makipag kwentuhan sa mga kaibigan mo." "Hu! Gusto mo lang makita si Ms. Dominguez, eh!" pambubuska nito. "Oo, gusto ko siyang makita. Eh, ano naman, may problema ba du'n? Binata ako, dalaga siya, bagay kami." Tumulis ang nguso ni Wilma. "Ewan ko lang ha, pero parang hindi naman kayo bagay," pahayag nito dahilan para panlakihan siya ng mga mata ni Arthur. "Bakit, mo naman nasabi 'yan? Dahil ba sobrang gwapo ko at normal lang ang itsura ni Ms. Diminguez? Pwede naman akong mag-adjust para sa kaniya." Muntik ng masamid sa sarili niyang