"Boss, kailan mo ba liligawan si Ms. Montoya?" tanong ni Arthur kay Brix. Parang wala naman kasi itong balak kumilos, siya lang ang gumagawa ng paraan para magkalapit ang dalawa. "Bakit mo naman naitanong 'yan? At saka sino ba'ng may sabi sa'yo na liligawan ko siya?" balik tanong ni Brix. "Pero boss, 'di ba sabi mo kapag nalaman mong mahal ka rin ng babaeng mahal mo ay ipaglalaban mo siya? Paano mo naman malalaman na mahal ka rin niya kung hindi ka manliligaw at magtatapat sa kaniya?" "Alam mo hindi ka lang tsismoso, pakialamero ka pa. Bakit mo ba pinangungunahan ang desisyon ko sa buhay? Tsaka sigurado ka ba na si Maria ang tinutukoy ko? Wala naman akong binanggit na pangalan." Napamaang si Arthur. "Weh! Kung hindi siya, eh ano 'yung ibig sabihin nang payakap-yakap mo sa kaniya sa e