Ipinilig ni Brix ang kaniyang ulo. Parang may hindi tama sa mga nangyayari. "Teka! Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito? Mali ito... may boyfriend ka, Ms. Montoya. Kasalanan ang gagawin natin," sabi niya. Nang tangkaing lapitan siya ng dalaga ay umatras siya. Natatakot siyang kapag nadampian ng balat nito ang katawan niya ay hindi na niya maisip kung ano ba ang tama. Parang gumising sa isang malalim na panaginip si Maria. Nagulat siya ng makita ang sarili na walang saplot. "Huh!" Nanulas sa bibig niya. "Ma-magbihis ka, papasok muna ako sa kwarto ko," tarantang sabi ni Brix. Mabilis siyang tumalikod at nagmamadaling iniwan si Maria. Hindi niya matagalan na tingnan ang kahubaran ng dalaga dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili na angkinin ito. "Stupid, Maria! Ano ba ang ginagawa