"Daddy, we're having a field trip next week. Can you come with me?" Itinigil ni Brix ang pagbabasa, ipinatong ang libro sa ibabaw ng lamesa. Kapag araw ng Linggo ay nasa bahay lang siya pahinga sa trabaho at ang buong oras niya ay ginugol lang sa anak. Si Nicole ngayon ay kasalukuyang gumagapang paakyat sa mataas na upuan. Kagigising lang ng bata at nang magising ay hinanap agad ang kaniyang ama. "Hmm... Next week? Let me check my schedule first, but if I can't make it, your yaya is there naman siya na lang ang sasama sa'yo sa field trip ninyo." Tumulis ang nguso ni Nicole. "Dad, ang mga classmate ko sasamahan ng mga parents nila ako lang ang hindi. Please, Dad, sumama ka na. Kung nandito lang si Mommy siguradong sasama siya sa akin." Biglang lumungkot ang mukha ng bata. Itinukod ni