Kung kailan pakiramdam ko ay bibigay na ako, tumigil siya at umalis sa ibabaw ko. "Ang init," reklamo niya kahit na bukas naman ang aircon. Batid ko kung ano any ibig niyang sabihin. Dahil maging ako ay nag-iinit din ang pakiramdam. Nag-iwas ako ng tingin. Nag-iinit ang aking pisngi at damang-dama ko pa ang kaniyang labi na kanina lang ay sumusupsop sa aking mga labi. Ang aking katawan ay medyo nanghihina pa dulot ng sensasyon sa ginawa niya. Masarap ang pakiramdam pero nakakapanghina, pero nakakatakot naman ang maaring bunga nito. Bumangon na din ako. Upang malibang nilapitan ko iyong mga paper bag, habang nasa kusina siya. Kumuha siguro ng tubig dahil nauuhaw siya. Napangiti ako nang makita ko ang mga pasalubong niya. Tatlong dress, isang leather bagpack na puwede kong gamitin pa