Halos mapunit ang labi ko nang magkita kami kinaumagahan sa may labasan. Hindi ako gaano nakatulog kagabi, pero masigla ako. Hanggang ngayon ay kinikilig pa din ako. Hindi na mabura ang mga ngiti sa aking labi. "Good morning, baby..." bati niya sabay halik sa aking labi. "Goodmorning..." Naiilang pa akong tawagin siyang baby. Pinulot niya ang isang long stem na rosas. "For you..." "Salamat." Titig na titig siya sa akin kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Kung kailan naging kami, saka naman ako naiilang sa kaniya. "Tara na. Baka ma-traffic tayo," aya ko kasi hindi na siya kumukurap. "Baka matunaw na ako niyan." "Ang blooming mo kasi. Partida wala pang dilig iyan, huh..." Nanlaki ang aking mga mata. "A-Andrew!Ang aga-aga, huh. Saka akala ko ba pakakasalan mo ako bago iyon." "Iy