Dahil nakaipon kami ng malaki, nakabili kami ng bahay dito sa Manila. Nakakuha din ng malaking puwesto para sa aking physical store at mayroon na din akong tauhan. Sa nakalipas na na tatlong taon, madami na ang nagbago sa aming buhay. At pinagpasalamat ko iyon sa maykapal. "Don't go to school, Mommy!" pigil sa akin ni Allesia. Hindi maganda ang gising niya ngayong umaga. Halos ayaw na din niyang magpababa. Karga ko siya mula pa kanina. "Mommy needs to go to school, baby," sabi ko naman. "One year na lang naman, matatapos na si Mommy." Hindi ko masasabing magkakaroon na ako ng mas madaming oras sa kaniya, dahil kapag nakapagtapos na ako, gusto ko namang i-apply ang pinag-aralan ko. Ngayon palang na nag-aaral ako, may mga na-book na akong mga clients. May tatlong room and mini hous