PAMILYA

1656 Words

Sinubuan ako ni Allesia. Si Andrew naman ay nakatayo sa gilid, habang nakatitig sa aming mag-ina. Naiilang siya at nahihiyang maupo. Dapat lang na alam niya na hindi siya welcome sa bahay na 'to. Kung hindi lang dahil kay Allesia, hinding-hindi siya makakatunton dito. "Masarap, Mommy?" tanong ng anak ko. Nakakatuwa talaga ang magandang batang 'to, dahil akala mo matanda na siya. Ngumiti ako at tumango. Paubos ko na ang lugaw, masarap kasi. Ako ang may hawak ng mangkok, habang hawak naman ni Allesia ang kutsara, sinusubuan niya ako. Nanghihina pa din ako. Sinisipon na din at masakit ang lalamunan ko. "Magpapapunta ako ng doktor dito para matingnan kayong tatlo nina Papa at Mama," sabi ni Andrew pero hindi ako sumagot. Ayos lang naman ako, pero ang inaalala ko ay sina Papa at Mama.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD