"Why are you crying?" Hindi nagtagal, bUmalik agad si Allesia. Hindi malaman kung sino ang uunahing lapitan sa amin. Sa huli, nagpakarga siya sa akin. Niyakap niya ako pero ang mga mata niya ay kay Andrew na nanginginig ang balikat dahil sa pag-iyak. "Stop crying, Tito Andrew..." Hindi siya nakatiis, lumipat siya kay Andrew para magpakarga. Niyakap niya ang lalake at binubulungan na tumahan na sa pag-iyak. "It's alright, Tito Andrew... Allesia is here..." She look so genuine while looking at the man crying. Nag-iwas ako ng tingin at nagpunas ng luha. Hindi na namin naubos ang mga pagkain namin, kaya nagligpit na kami ni Mama. Sina Andrew ay lumipat sa sala. Naglalaro sila ni Allesia. Napapatunga nga naman ako habang naiisip ang mga mga nangyari. Bakit ganoon? Bakit kailangan ni