"Gan'on din naman ang ginawa mo sa'kin noon." Niyakap niya ako matapos kong sabihin iyon. Akala ko noon kaya ko ang sakit, pero mas malala pa pala kapag nasa harap mo na ang taong naging dahilan kong bakit ka nasaktan. Gusto kong sisihin ang sarili kong bakit mas minahal ko siya kaysa sa sarili ko. Sa tinagal ng pagsasama namin hindi ko aakalain na si Senyora lang pala ang magiging dahilan para masira kami. Ilang taon kong inalagaan ang relasyon namin ni minsan ay wala kaming naging problema ni Zain. Maliban nalang kay Senyora, ayaw kasi noon ni Senyora na pumasok ako sa isang relasyon dahil makakasira lang daw ito sa pag-aaral ko. Hindi ako nakinig sa kaniya sa halip tinuloy namin ang pagmamahalan namin sa kabila matinding pag-iingat namin na hindi kami mahuli ni Senyora. Akala ko maay