Matapos ang event, madami ang nangyare. Kung iisa-isahin ko ang lahat ng iyon sa isip ko baka sumabog na ako. Naiiyak ako sa galit dahil may kailangan na naman mawala. "Ilang araw nalang makakalaya kana dito pero gusto ko ikaw pumili bagong Council President. Isang linggo mula ngayon magsisimula na naman ang election of officers." ani Jera. Binigay niya sa'kin ang listahan bago siya umalis. Buong gabi kong pinag-aralan at pinag-aralan ang mga iyon. Kasali sa listahan ang pangalan ni Demiree. Kung ilalagay ko siya sa posisyon ko noon. Mas madali para sa'kin ang matutukan siya dahil alam ko ano ang gagawin dahil dati akong Council President. Lahat ng Student Council positions ay napagdaanan ko na kaya hindi ako mahihirapan kung sakaling siya ang ipapalit kong bagong Council President. K