Nathalia Aofuka
Napabuntong hininga na lang kami ng makita naming natutulog si Seri sa kwarto namin alam ko na natakot na naman sya.
"Sino ba naman kasing bobo ang pumayag sa kanya na isama sa loob?" Galit na sabi ni Karen.
Walang nagsalita sa kanila at saka sila napatingin kay Riko na ngayon ay nakayuko at nagsosorry.
"Sorry sorry! May magagawa ba yan? Kita mo nangyari kay Seri" galit pa na bulyaw ni Karen.
"Kasalanan ko ba? Malay ko naman di ba kung ano ang pag uusapan di ko naman alam. Nagsorry na nga ako di ba?" Galit na din tong si Riko.
Napasapo na lang ako sa noo ko walang mangyayari sa dalawang to parehas mainit ang ulo.
"Ate Karen" napatingin naman kami kay Seri at inalalayan naman sya ni Gray umupo "Wala pong kasalanan si kuya Riko ako po ang nagpilit sa kanyang isama ako dahil uuwi po kayo. Sorry po. Wag ka na po magalit kay kuya Riko" naiiyak na dagdag pa ni Seri.
Napabuntong hininga naman si Karen at si Riko naman ayun lumabas ng room. Grabe lang talaga to mag alala si Karen dahil para sa amin dapat pinoprotektahan si Seri. Mukha lang syang malakas parang ako.
"Mauna na muna ako" sabi ko at saka ako ngumiti kay Seri "Babalik ako kailangan ko lang kausapin si daddy" hinawakan kasi ni Seri ang hintuturo ko pero agad din nyang binitawan at saka ako lumangoy palabas.
Gusto kong malaman kung totoo ba talaga ang hinala ko ayokong mag assume, pinapanalangin ko na sana hindi dahil masasaktan ako. Nakita ko si daddy sa office ni ate Elena, buti na lang wala si ate dito.
"Dad!"
"Oh Rei nandito ka na pala" sabi nya at niyakap nya ako pero di ko sya niyakap.
"Dad. Sino si Nathaliam?" Agad kong tanong at napahiwalay naman sakin si daddy "Dad sino sya?" Napayuko naman si daddy "Daddy naman please sabihin mo na sakin parang awa mo na di ko na kilala kung sino ako" naiiyak kong sabi "Litong lito na ko dad. Hinihiling ko na sana di sya si mommy na di hawak ng tao si mommy."
"Im sorry"
"What?"
"Nathalia Aofuka is her real name" napaupo ako sa sahig at nagbagsakan ang luha ko "Yung lola na tinuring mo kapatid ng lola mo yun, ng mommy ni Thalia"
Hindi ko na nakayanan napahagulgol na ako ng iyak. So all this time hindi talaga sya mommy ni mommy? All this time di lang ako prinsesa ng blue palace.
"Bakit di mo sinabi sakin?" Walang emosyon kong tanong pero ang mga mata ko tumutulo pa rin ang luha ko. "BAKIT TINAGO NYO SAKIN" sigaw ko at sakto namang bumukas nag pjnto.
"What happened here?" Tanong ni ate Elena at di naman ako nagsalita.
"I'm sorry Rei alam ko kasing hindi ka pa handa"
"No dad. Selfish lang kayo" sabi ko at tumayo "Nagtanong ako sa inyo kung sino mommy ko pero di nyo ko sinasagot pare parehas lang kayo selfish"
Nabigla naman ako ng makaramdam ako ng sampal. Ah sjnampal ako ni ate Elena for the first time. Hindi ko na sila pinasalita pa umalis na ako doon at pumunta sa kwarto namin good thing di nila ako pjnakialaman.
Tahimik lang akong umiyak kahit nanjan sila pero di ko na talaga kinaya napahagulgol na lang ako at niyakap ako ni Miko.
"Mik, ligtas natin si mommy please? Parang awa mo na" sabi ko sa kanya habang nakayakap ako sa kanya "Nathalia, she is my mom"
Audrey's POV
Nagulat kaming lahat di makapaniwala sa sinabi sa amin doon sa meeting at kahit na gusto naming sumabat di man lang namin magawa. Naiwan kami ditong di nagsasalita ng umalis si Rei nang sirain to ni Gray.
"Bakit parang wala sa sarili si Rie?" Tanong nya.
"Baka naguguluhan lang yun!" Sabi ni Karen.
"Saan?" Tanong ko at may kinuha namang picture si Miko.
"Papa ni Rei to di ba? Sino ang babae mama ba to ni Rei?" Nag nod naman si Miko sagot sa tanong ni Ceres.
"Kilala ko po to ah" sabi ni Seri at napatigil naman kami ng pumasok si Rei.
Naiyak. Nagkatinginan kami pero walang ni isa sa amin ang nagsalita at nag tanong sa kanya parang gusto nya muna mag isa. Sa una hikbi lang naririnig namin hanggang sa humagulgol sya kaya naman lumapit kami sa kanya agad naman syang niyakap ni Miko.
"Mik, ligtas natin si mommy please? Parang awa mo na" sabi nya habang nakayakap kay Miko. Nakikita ko ang sakit, lungkot at pangungulila sa mata nya kaya pati kami naiiyak. "Nathalia, she is my mom"
Nathalia. Parang familiar. Wait.
Nathalia Aofuka is the name of the Long lost Princess of the Pink Palace.
Hinayaan lang namin si Rei na umiyak hanggang sa hindi na nya nakayanan at nakatulog na sya. Lumabas kami sa kwarto at iniwan si Seri at Rei parang mas okay na si Seri muna kasama nya.
"That explain why" sabi ni Noel at napatingin kami sa kanya "She had a touch of pink in her tail" dagdag nya pa.
Ahh oo nga pala noon akala ko natural lang na ganun ang buntot nya, na galing lang sya sa isang angkan hindi pala. Napatigil kami sa paglangoy ng masalubong namin si ate Elena na aligaga.
"Ate okay ka lang?" Tanong ko at nagulat naman sya.
"O-oo okay lang ako. Si Rei?"
"Sa kwarto natutulog kasama si Seri wag nyo na muna syang kausapin baka ibang Rei makausap nyo" pagbababala sa amin ni Miko at nauna na syang umalis.
"Sana naman po ate Elena inintindi nyo po ang nararamdaman ni Rei." Sabi naman ni Karen at sumunod sya kay Miko.
Kami? Eto naiwan nakanganga wala na kaming ibang nagawa nag babye na kami muna kay ate Elena at sumunod sa dalawa.
AMAYA REI'S POV
Nagising ako ng may humahaplos sa buhok ko at nakita ko ang matandang babae na may kulay pink na buntot. Nakaramdam ako ng pangangawit at nakita ko naman si Seri na nakahiga sa braso ko.
"Shhh" sabi sakin ni lola.
Dahan dahan kong inalis ang braso ko sa pagkakaunan ni Seri at saka ako sumunod kay lola na pumunta sa balkonahe.
"Bakit po lola?" Hinawakan nya naman ang mukha ko at saka sya naiiyak na tiningnan ako.
"Kamukhang kamukha mo nga sya" sabi nya at na pa huh naman ako "Si thalia kamukha mi sya. Bakit ba hindi ko kaagad napansin? Sana tinitigan kita para nakita ko kaagad si Thalia." Sabi nya at ngumiti naman ako ng pilit. "You just like her. Love the adventure, the danger. Gaya mo rin sya brave, strong, thoughtful and even the second attitude"
"Second ano po?"
"Second attitude, the bad side" napa aah naman ako "Tinanong ko kanina ang daddy mo kung ikaw na ba ang isa sa mga anak ni Thalia na hindi pa nadadala dito sa dagat at sabi nya oo. Salamat naman at nakita na kita at nakilala"
"Lola" nginitian nya naman ako. "Lola sorry po kanina ha? Di ko po ginusto sabihin lahat ng yun kailangan lang po namin ng information"
"Its okay hija hindi naman kami galit eh" sabi nya at tiningnan ko sya "In fact napahanga nyo kami dahil sa katapangan nyo at di nyo rin sinukuan ang mga impormasyon na kailangan nyo"
"Pero po"
"Okay lang talaga." Sabi nya at hinawakan ang kamay ko "Rei makinig ka sakin ha?" Nag nod naman ako "Kaya tinago sayo ang lahat kasi ayaw nilang mamroblema ka, gusto nila carefree ka lang, walang inaalala kaya sana intindihin mo rin sila. Trust your family and friends, hindi sila magsisinungaling at maglilihim ng walang sapat na dahilan" napayuko naman ako.
"Gaya na lang ngayon. Rei alam nilang ganito kasakit ang impact sayo kapag nalaman mo ang tungkol kay Thalia kaya naman hindi nila sinabi sayo." Hindi ako nagsalita "Move on, Rei. I know you can save her" sabi ni lola at nag nod naman ako.
"I'll save her, ibabalik ko po si mommy dito" nginitian nya naman ako saka niyakap at hinalikan sa noo.
"Mauuna na akong bumalik sa palasyo ha?" Nag nod naman ako at saka sya dumaan sa balcony.